ISANG suspek na hinihinalang tulak ng droga sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, ang dinakip habang nalambat ang walong suspek sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija sa magkahiwalay na anti-narcotics operation ng mga kagawad ng PDEA3 at PNP nitong Linggo ng hapon, 25 Abril.
Sa lungsod ng Olongapo, natimbog ang suspek na kinilalang si Robert Balajadia, 53 anyos, kabilang sa drugs watchlist ng PDEA, ng mga kagawad ng PDEA3-Zambales PO, PDEA3 RSET, SIU SBMA, CIU, PS3, OCPO, at llO SBMA.
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P93,500, marked money, at kulay abuhing Toyota Hi-Ace.
Samantala, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA3 ang isang drug den sa lungsod ng Cabanatuan na nagresulta sa pagkakalambat sa pitong mga suspek na kinilalang sina Robert Guy alyas Bobby, 52 anyos; Ricardo Sumayao, 58 anyos; Michael Castillo, 50 anyos; Rodel Mateo, alyas Ambal, 55 anyos; Jeff Guy, 47 anyos; Jerwin Allarces, 30 anyos; at Jayson Mateo, 50 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.
Nakompiska mula sa mga suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, marked money, at drug paraphernalia.
Ayon kay PDEA3 Director Christian Frivaldo, resulta ng mga A-1 information mula sa mga tip ng mga impormante, sa programa ng PDEA na “Isumbong mo kay Wilkins,” konektado sa mga serye ng anti-narcotics operation at nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nanatili sa custodial facility ng mga raiding team. (RAUL SUSCANO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …