Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Velociraptor nakunan ng video sa Florida

NATATANDAAN n’yo pa ba iyong tatlong velociraptor sa pelikulang Jurrasic World — na ubod nang bilis tumakbo at kumilos at talaga namang nakatatakot kapag sinalakay ka?

Aba’y ito umano ang nakunan ng security camera sa isang tahanan, salaysay ng may-aring si Cristina Ryan ng Florida, USA.

Ayon kay Ryan, hindi sinasadyang makunan ng security camera ang tinukoy niyang isang “baby dinosaur” na tumawid sa kanyang bakuran noong umaga ng nakaraang araw ng Linggo, Abril 18.

At nang ma-post ang nasabing video footage mula sa security camera sa Fox 35 Orlando, sadyang nahati ang social media sa kanilang mga kuru-kuro at opinion ukol sa kung anong uri ng hayop ang nakunan sa bakuran ni Ryna.

“Any animal we can come up with that would be ‘walking’ at 3:40 in the morning wouldn’t walk this way,” kanyang paliwanag sa Fox 35 Orlando.

“Maybe I’ve watched Jurassic Park too many times, but I see a raptor or (some) other small dinosaur,” dagdag niya.

At hindi rin sumang-ayon si Ryan sa mga nagsasabing viewer na isa lamang ibon ang nakita niya sa video footage na sa sobrang bilis ng pagkilos ay hindi niya tunay na makilala kung ano nga iyon.

“Whatever it is appears to have front legs,” aniya.

“I’m sticking with raptor,” kanyang pagpupumilit.

Marami rin nagsasabi na maaari itong isang nakawalang alaga na kabilang sa 15 species ng mga native lizard s a Florida.

“I used to live in Clearwater, Florida and (have) seen some of these lizards running on back legs,” wika ng isa sa mga nagbigay ng kanyang opinyon. “They are big, alert, active lizards (that) are quite common along canal banks in suburban areas.”

“It’s a dog with a jacket on,” sabi naman ng isa pa. “If you pause or slow it down, you can see the leash trailing behind it.”

Pero ang konklusyon ng karamihan ay iisa lang: “Looks like a small gator to me. They can run fast.”

(Kinalap ni TRACY CABRERA)         

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …