NOONG mahalal bilang alkalde ng Maynila, hinangaan na natin si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Nakita natin kung gaano kababa ang kanyang loob nang pasama-samahin niya sa isang okasyon ang mga dating alkalde ng Maynia.
Bagama’t ilan sa kanila ay nakasamaan niya ng loob dahil sa politika — pinilit niyang iabot ang kanyang palad upang kalimutan na ang away-politika na iyon.
‘Yun siguro ang dahilan kung bakit magaan ang pamumuno ni Mayor Isko sa lungsod na kanyang kinalakihan.
Actually, nasa unang termino pa lang si Mayor Isko, pero biglang sumalubong ang pandemya.
Inisip ng marami na makukulelat si Isko sa pamumuno sa panahon ng pandemya, pero maraming nagkamali.
Sa unang enhanced community quarantine pa lang, ipinakita ni Isko na hindi niya pababayaan ang kanyang mga kababayan.
At bago pa dumating ang ikalawang ECQ, lumarga ang monthly ayuda ni Isko sa pamamagitan ng mga batayang pangangailangan gaya ng bigas, de-lata, kape, itlog, at iba pa.
Hindi rin maikakaila ang kanyang pagrerekorida sa gabi sa bawat distrito ng Maynila. Nasa Facebook Live ‘yan.
At nitong nakaraang Martes, lalo pa tayong napabilib dahil pinasinayaan na ang mega-facility na itatayo sa Rizal Park.
Nariyan din ang incentives sa health workers at higit sa lahat ang pagiging tandem nila ni Vice Mayor Honey Lacuna.
Mismong si VM Honey ang nagbabakuna sa mga bedridden na senior citizens.
Ibang klase ang liderato nina Mayor Isko at VM Honey, walang sapawan — ang mayroon ay magkaagapay na tulungan.
Congratulations Yorme and VM Honey Lacuna!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap