UMABOT sa 574 katao ang nalambat sa paglabag sa iba’t ibang mga batas sa patuloy na anti-criminality campaign mula 9 Abril hanggang 15 Abril ng PRO3-PNP sa Central Luzon.
Sa talaan ng Central Luzon PNP, sa kabuuang 574 naaresto, 178 ang sangkot sa ilegal na sugal, 215 sa paglabag ng RA 9165, 178 nagtatago sa batas na may warrant of arrests, at tatlo ang itinuluyang sampahan ng kaso sa paglabag sa lokal na ordinansa.
Samantala, nasamsam ang may 623 pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na 628.46 gramo at nagkakahalaga ng P4,241,803; at 54 pakete ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P36,880, mula sa anti-narcotics operations.
Nakakompiska rin ng mga perang tayang umabot sa P47,734 mula sa ilegal sa sugal.
“These accomplishments particularly in the arrest of wanted fugitives, people involved in illegal drugs, illegal gambling, and street crimes were the results of strong support of all local chief executives in the anti-criminality campaign,” pahayag ni PRO3 Director P/BGen. De Leon. (R. SUSCANO)