Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle ‘di iiwan ang It’s Showtime 

GUSTONG iklaro ng taong malapit kay Karylle Tatlonghari-Yuzon na hindi siya aalis ng It’s Showtime tulad ng kumalat na tsika base sa sapantaha ng netizens.

Sa 40th kaarawan ni Karylle sa Showtime ay isa-isa siyang binati ng co-hosts at kay Vice Ganda ang nagmarka na tila nagpahiwatig na aalis na ang una sa programa.

Ang pa-tribute kasi ni Vice, ”Karylle is just really beautiful inside and out. Totoo ‘yung sinasabi ni Tiyang (Amy Perez), wala siyang masamang tinapay. Marami kang sablay pero walang masamang tinapay.

“’Yun ‘yung mga sablay na patatawarin mo talaga kasi hindi niya sinasadyang magkaroon, walang masamang intensiyon ‘yun. Eh lahat naman tayo sumasablay ‘di ba?

”I love you just the same. Weird ka in a beautiful way. Weird ka in a not so beautiful way. I love you just the same.

“May mga pagkakataon dito na iniisip ko, ano kaya tumatakbo sa isip ni Karylle? Minsan may mga ways siya, may mga ginagawa siya, kaya nga weird ang tawag n’yo sa kanya kasi minsan ‘di n’yo nage-gets.

“Siyempre hindi naman lahat isine-share natin sa isa’t isa. Mayroon pa rin naman tayong mga reservation. Kahit sobrang trinu-trust natin ang isa’t isa, sobrang mahal natin ang isa’t isa, may mga reservation tayo.

“I’m sure may bagay kang hindi isine-share samin. May mga pinagdaraanan kang hindi namin alam na pinagdaraanan mo lang sa sarili mong paraan at sa sarili mong sistema, kung paano mo siya gusto pagdaanan.

“Basta kung anuman ‘yang nasa isip mo, anuman mga wishes mo at mga plano mo sa buhay na personal mong binubuo na kahit ‘di namin alam, sana matupad lahat.

“Dahil ang alam ko ‘yung intensiyon mo lang lagi maganda. Gusto kong maging masaya ka kasi again you are very beautiful. Ang bait-bait mo sa amin kahit ang salba-salbahe namin.”

Ito ang sinabi ni Vice na nagpaisip sa madlang pipol, ”Sana makasama ka pa namin. Huwag mo kaming iiwan, K, ha?”

Sagot naman ni K, ”Iniisip ko ano ba ‘yung lakas ko, naiisip ko kayo. ‘Pag tumugtog na si MOD, automatic ‘di ba? Kasi ‘yun din ‘yung iniwan sa atin ng madlang pipol.

“Wala man sila rito ngayon, sila ‘yung lakas natin. Kasi mahirap naman sa totoo lang ang pumasok kasi nakakatakot din. Lumalakas loob ko because of all of you, so thank you. ‘Yun talaga ‘yun.”

Mahal na mahal ni Karylle ang It’s Showtime dahil isa ang programang ito na nagbukas sa kanya ng pinto nang lumipat siya sa ABS-CBN mula GMA 7.

Noong 2009 ini-launch ang It’s Showtime at sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Billy Crawford, Teddy and Jugs, at Anne Curtis ang main hosts.

Pagkalipas ng isang taon, 2010 ay at saka pumasok si Karylle sa programa at hanggang ngayon ay naroon pa rin siya at sa loob ng 12 taon ay malaki na rin ang naiambag nito sa Showtime at isa sa hurado sa Tawag ng Tanghalan.

Masaya si Karylle sa programa lalo na noong wala pang pandemic dahil marami silang napapasayang tao na madaling araw palang ay matiyagang pumipila na para maging live audience.

Nagkaroon na rin ng tampuhan noon sina Vice at Karylle taong 2014 dahil tila hindi nagustuhan ng asawa ng huli na si Yael Yuzon ang loveteam nilang ViceKarylle na noo’y magkasintahan pa lang suka.  Bukod dito ay hindi rin dumalo si K sa victory party ng pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy kaya lalong umugong na magkagalit ang dalawa. Pero nakapag-usap naman kaagad na kaya ilang linggo lang din natapos ang hindi nila pag-uusap.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …