Wednesday , November 20 2024

Do’s and don’ts para makontrol ang high blood pressure

Kinalap ni Mary Ann G. Mangalindan

HINDI natin maiiwasan ang  masasarap na pag­kain lalo na ‘pag may kaliwa’t kanang han­daan. Lalo ngayong pana­hon na nahihiligan ng tao ang pagluluto. Minsan hindi natin namamalayan nasoso­brahan na pala tayo sa matataba, masebo at maaalat na pagkain.

Pero totoo nga na mas masarap talaga ang bawal, gaya ng lechon na talaga namang naka­puputok ng batok, ice cream na paborito, mapabata man o matanda lalo kapag summer season, at iba pang masarsa at matatabang pagkain.

Pero kahit na ganoon, puwedeng-puwede pa rin tayong makakain basta siguraduhin na sakto sa timpla ang asin, at taba na makokonsumo natin sa araw-araw, lalo ang mga taong may mataas na blood pressure.

Don’t worry, dahil narito ang do’s and don’ts para makontrol ang high blood pressure at ma-enjoy pa rin ang pagkain na paborito natin:

Tandang ang mga dapat gawin (Do’s)

Potassium – ang potassium ay nakapag­babalanse ng asin sa katawan ng tao. Maaari itong makuha sa plain baked potatoes, saging, avocado, dried apricots, plain yogurt, raw spinach, at cooked white beans. Ang tamang dami ng potassium na inirere­ko­menda sa tao na may high blood pressure ay 4,700 mg kada araw.

Hindi dapat gawin (Don’ts)

Sodium – ang labis na asin sa katawan ay nagdudulot ng mataas na presyon sa dugo ng tao. Karaniwang kalahati sa nakokonsumo nating asin ay nanggagaling sa 10 kategorya ng pagkain tulad ng; bread and rolls, cold cuts o cured meat, pizza, poultry, soups, sandwich, cheese, pasta mixed dishes, meat mixed dishes, at savory snacks gaya ng junk foods.

Para sa may mataas na blood pressure, dapat 1,500 mg kada araw lamang ng sodium, at 2,300 mg naman sa walang sakit.

Harmful fats – maaari pa rin maging masarap ang inyong lutuin kahit na wala itong matatabang sang­kap. Ang saturated at trans fats ay klase ng dangerous fats na madalas makita sa mga commercial baked goods, tulad ng cookies, crackers, at mga animal products gaya ng red meat at dairy products (whole milk, keso, sour cream, butter, at ice cream).

Mas mabuti sa kalu­sugan kung mas mababa pa sa 10 percent ng Saturated fats ang daily calories ng isang tao at mainam hangga’t maaari na mas mababa ang trans fats sa ating pagkain sa araw-araw.

Paano natin malala­man na ang isang produkto ay may mataas na content ng sodium, fats, at potassium? Basahin ang nutrition facts upang malaman natin kung gaano karami ang percent ng bawat sangkap nito. Makikita ito sa likod ng pakete o bote ng produkto. Siguruhin na maglaan ng special attention sa inyong diet para makaiwas sa pagtaas ng blood pressure. Maaari pa rin naman maging masarap ang lutuin basta laging tatan­daan ang mga bawal at limitahan ang mga sangkap na may mataas na sodium, saturated, at trans fats para manatiling healthy living lalo ang may mga edad na.

Makabubuti kung aalamin natin ang recipes, cooking tips, at heathy diet para mapanatili ang masigla, malusog na pangangatawan, maging malayo sa sakit. Maa­aring ikonsidera ang paggamit ng mga herbs o natural spices sa lutuin lalo kung mayroon sa pamil­ya ninyo ang may high blood.

About Mary Ann Mangalindan

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *