HINDI na nakapalag ang mga itinurong ‘sugarol’ nang arestohin ng nakapaligid na mga kagawad ng Mabalacat City Police Station habang abala sa pagsusugal sa ikinasang raid nitong Huwebes, 15 Abril, sa isang Saklaan sa 63 St., Mawaque Resettlement Center, Sapang Biabas, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni P/Col. Rossel Cejas, hepe ng Mabalacat City PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Ronnie Aquino, 55 anyos; Richard Dalusong, 32 anyos; Remedios Pineda, 37 anyos; Oliver Diaz, 25 anyos; Lourdes de Leon, 51 anyos, pawang mga nakatira sa lungsod ng Angeles; Rolly Baluyot, 44 anyos; Aries Francisco, 36 anyos; Lynard Miranda, 19 anyos; Franziel Pamilawan, 24 anyos; John Michael, 21 anyos; Dustine Tuazon, 28 anyos; at Famela Baluyot, 21 anyos, mga residente sa Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, ng nabanggit na lungsod.
Nakompiska mula sa mga suspek ang mga barahang gamit pangsakla, perang taya na nagkakahalaga ng P7,675, at iba’t ibang mga kagamitan sa pagsusugal.
‘Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 na inamyendahan ng RA9287 (Sakla) at EO 05-2021 ng lalawigan na may kaugnayan sa PD 11332 (hindi pagsusuot ng facemasks) ang mga suspek na nasa kustodiya ng raiding team.
(RAUL SUSCANO)