INIHAYAG kamakailan ni Rica Peralejo ang kanyang saloobin ukol sa kanyang desisyong lisanin ang showbiz para ipaliwanag na nakaramdam siya ng ‘burnt out’ mula sa labis na pagtatrabaho simula noong 20 anyos pa lang siya hanggang ngayon.
Sa ulat ng Push, sinabi ng bituin ng pelikulang ‘Kay Tagal Kang Hinintay’ na mas ginusto niya nang ‘magpahinga’ sanhi ng pagkapagod na nagresulta sa ‘overwork.’
Inilahad din ito ni Rica sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang sa YouTube channel na Toni Talks.
“At 25, I said why is that when I wake up I think of work, and when I’m tired, I just think of work. I didn’t have anything else to look forward to in my life,” aniya sa panayam.
Idinagdag ni Peralejo: “(I) was so lost that (I) turned to alcohol, toxic relationship and cigarettes; and was envious seeing how (my) sister and niece went back to school and doing regular things that other people do.”
“I saw the normality of their lives and it seemed fun. So little by little — it was slowly building up — I said that I want a normal life,” kanyang pag-amin.
Dito pinagtuunan ng pansin ng aktres ang kanyang buhay at ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng relihiyon.
“I thought this job, this fame, this popularity, this career will actually be it. It turns out, this is all I need . . . It’s not in material things or positions you can see, or even in ambition,” sabi ni Rica.
At hindi rin naman daw mahihirapan siyang makamit ang normal na pamumuhay sa tulong ng kanyang asawang si Pastor Joseph Bonifacio at gayon din ng kanyang mga magulang at dalawang supling na sina Philip and Manu. (Kinalap mula sa Yahoo News ni TRACY CABRERA)