Kinalap mula sa LaCroix International ni TRACY CABRERA
VATICAN CITY, ROME — Maging ang Vatican ay mahigpit na sumusunod sa mga quarantine restriction na itinakda para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Ngunit ayon sa mga insider sa Holy See, nagpapatuloy pa rin ang Santo Papa Francis na makipagdaupang-palad habang nasa pribadong pakikipagpulong — isang bagay na hindi pinapayagan ng health experts sa gitna ng krisis pangkalusugan na nananalanta sa buong mundo.
Ito, anila, ay halimbawa ng sinasabing selective observance ng papa sa mga CoVid protocol.
Gayonman, lubhang maingat ang entourage ng papa na hindi maipalabas ang alinmang larawan ng ganitong mga kaganapan.
Ito’y dahil sa sa gitna ng nagpapatuloy ng krisis ng coronavirus, kahit ang Vatican ay kinakailangang sumunod sa ‘health safety precaution’ na sadyang ipinatutupad para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19.
Sa mga pasilyo ng Roman Curia, kailangan magsuot ang mga tao ng facemask at tuparin ang social distancing at sa mga ‘in person’ meeting, na isinasagawa sa ilang piling tanggapan tulad ng Congregation for Bishops and the Congregation for the Causes of Saints sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Marcello Semeraro.
Palagiang may bakanteng upuan sa pagitan ng bawat cardinal o obispo na nakaupo sa paligid ng malalaking conference table.
Dangan nga lang, sa kabila ng social distancing measure, may isa pa rin indibiduwal na nakikipagkamay: ang Papa mismo.
Tiyak din namang hindi niya ito ginagawa kapag nariyan ang mga camera, tulad nang makaharap niya ang mga ambassador na accredited sa Holy See noong simula ng Pebrero o nang batiin siya ng mga mamamahayag na sumama sa kanya sa eroplanong patungong Iraq noong Marso.
Ngunit kapag nasa private audience, isang Francis — na nabakunahan na — ay tunay ngang masayang nakikipagdaupang-palad sa kanyang mga bisita sa nakalipas na mga linggo.
“The Vatican asked us not to make public images of him shaking hands,” wika ng nagulat na participant sa isang pagpupulong kamakailan kasama ang 84-anyos Papa.
Hindi magiging maganda kung makikita siya sa mga larawan o video habang lumalabag sa mga pandemic protocol, lalo’t dahil isa siya sa masugid na tagapagsulong ng bakuna kontra CoVid-19.
Ito ba ang opisyal na katuwiran ng Vatican Media noong Marso nang alisin ang apat na larawan mula sa Vatican News Twitter account na nagpakita ng mga taong walang face mask nang sinalubong ang papa sa Iraq?
Kung anoman ang dahilan o katuwiran, ito ay patunay ng sensitibong isyu sa Vatican.