Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapatid ni Alfred na konsehal pasimpleng nangangampanya?

MAY nagpadala sa amin ng leaflet na ipinamamahagi raw ng ilang constituents ni Patrick Michael o PM Vargas, konsehal sa ika-limang distrito ng Quezon City na may nakalagay na Manipesto ng Pagkakaisa.

Si Konsehal PM ay kapatid ni Representative ng 5th District of Quezon City Alfred Vargas.

Sa pagkakaintindi namin sa manipestong ito, pasimpleng pangangampanya para kay konsehal PM sa panahon ng pandemya para ituloy ang kanilang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang nilalaman ay, ”Sa mahigit na dalawang termino bilang congressman ng ating distrito, walang patid ang pagtulong at pag protekta sa atin ni Cong. Alfred Vargas.  Bawa’t batas na kanyang inihain ay para sa ikabubuti namin.  At walang sakuna o kalamidad na hindi siya naka-agapay.  Tunay na kanyang pakikitungo ay personal. Ang pag-aalga niya ay pangkalahatan.  Tunay na gumanda an gating buhay  at an gating distrito.

“Mula nu’ng Ondoy hanggang sa matinding pagsubok ng pandemya, sina Cong. Alfred at ang kanyang kapatid na si Coun. PM Vargas ay walang sawang tumutulong sa amin.  Naintindihan at nararamdaman nila ang pasakit at hinagpis na dulot ng mga sakuna, kalamidad, at ngayon, ng Covid-19.

“Nang magdeklara ng ECQ, ang pagkalinga nila ay nagsimula sa ayuda.  Inuna nila ang makakain namin.  Agad itong sinundan ng mga programang pangkabuhayan upang matugunan ang mga nawalan ng trabaho.  Tumulong sila sa mga may sakit.  Binigyan ng mga assistive medical devices at mga gamot ang mg walang kakayanang makapunta sa mga ospital o kapos sa pantustos sa kanilang karamdaman. Nagpamahagi sila ng electronic tablets para sa mga mag-aaral, ng mga mountain bike para sa mga namamasukan, ang mga health kits para makasunod sa health protocols.  Ang magkapatid na Alfred at PM ang lumalapit sa mamayan, dama namin sila.

“Ramdam namin na hindi lang kami kadistrito.  Miyembro kami ng pamilya, kaya alam naming nakasandal kami sa matibay na pader.

“Ang magkapatid na Vargas ay may tatak serbisyong may PUSO at MALASAKIT.  Para sa aming kapakanan hindi ito dapat mapatid.  KAYA HINIHILING NAMIN KAY PM VARGAS NA KUMANDIDATO BILANG CONGRESSMAN NG ATING DISTRITO SA HALALAN 2022.”

At sa ilalim ng pangalan ni PM Vargas ay may nakalagay na ‘para sa kinatawan ng District V #tatakVargas.’

Ang bongga naman sa nasasakupan ng magkapatid na Alfred at PM, sinimulan na ang pangangampanya para sa kanila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …