HABANG nagkakaedad ang isang tao ay unti-unting humihina ang pangangatawan nito dahilan para madaling kapitan ng virus at bacteria, kung walang sapat na nutrisyon at mahina ang immune system.
‘Yan ang dahilan kung bakit higit na pinag-iingat ang senior citizens ngayong panahon pandemya.
Doble ingat ang dapat gawin dahil hindi natin alam kung ‘positive’ ba ang mga nakasasalamuha natin.
Kaya hangga’t maaari ay huwag lalabas ng bahay lalo ang senior citizens. Hindi panahon ngayon ng pamamasyal, kaya’t mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng facemask , face shield, social distancing saan mang pampublikong lugar.
Narito ang ilang mga paraan na dapat gawin nina lolo at lala para mapalakas ang immune system at makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit:
Get Active – habang nagkakaedad ang isang tao nababawasan ang muscle mass, at humihina ang immune system, kaya’t mas nagiging sakitin. Ang pagiging aktibo lalo na pagdating sa mga physical activities ay mabuti sa katawan upang magkaroon ng immune system booster. Mas aktibo at madalas na pagkilos ng ating katawan ay susi para malabanan ang inflammation at infections. Hindi naman kinakailangan ng matinding pag-eehersisyo. Mas mabisa sa seniors ang low impact exercises, tulad ng biking, walking, swimming or low impact aerobics.
Nakatutulong din ang yoga para mas mapalakas ang muscles. Kung kaya ng katawan, maaaring gawin ang moderate exercise sa loob ng 20-30 minuto kada araw hanggang makompleto ang 150 minuto kada linggo.
Take Supplements – mainam din ang supplements para manatiling healthy ang immune system. Mas maigi kung ang supplement ay may mga sangkap na Calcium, Vitamin D, Vitamin B6, or Vitamin B12. Pero bago mag-take ng kung ano-anong multivitamins, mas makabubuti kung komunsulta muna sa inyong doctor.
Eat healthy diet – katulad ng mga sariwang prutas, gulay, at lean meat na nagpapalakas ng immune system at nagbibigay proteksiyon laban sa viruses at mga bacteria na nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit. Ang prutas at gulay na mayaman sa antioxidants na nagbibigay proteksiyon sa cells para maiwasang ma-damage at mapanatiling malusog ang katawan. Hangga’t maaari, iwasan ang matatamis at matataba o masebong pagkain, na maaaring magpalala ng inflammation sa katawan at magpahina ng immune system. Limitahan din ang labis na pag-inom ng alak, ‘ika nga “drink moderately.”
Wash your hands frequently – ang paghuhugas ng kamay lalo ngayong pandemic ay dapat gawing regular, para maging malayo sa ano mang sakit. Ang virus ay nabubuhay sa loob ng 24 oras, posible itong maging sanhi ng sakit kapag ito’y nahawakan. Para maiwasan ma-contaminate ng virus, palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo. Iwasang hawakan ang mukha, ilong, bibig, lalo kung ‘di pa malinis ito.
Ang paggamit ng mga antibacterial hand sanitizer ay nakatutulong rin para mamatay ang virus. Ugaliin ang madalas na pag-disinfect sa loob at labas ng bahay at work station.
Learn how to manage stress – kung kabilang na sa grupo ng senior citizens, kinakailangang umiwas sa stressful activities para hindi ito makasama sa kalusugan. Ang Chronic stress ay nagdudulot ng pagtaas ng B stress hormone cortisol sa ating katawan. Ang sobrang cortisol ay maaaring makapagpahina ng katawan at ng immune system. Para mabawsan ang stress, ugaliin ang pag-eehersisyo araw-araw, matulog ng tama sa oras, iwasan ang mga negative vibes and thoughts, at mag-relax sa mga nakae-enjoy na activities.
Get plenty of rest – hindi lamang ito nakababawas ng stress, nakatutulong din ang sapat na tulog sa pag-repair ng cells sa ating katawan, at nagpapalakas ng immune system. Habang nagkakaedad ang isang tao, mahalaga ang sapat na tulog para ma-regenerate ang brain cells, maiwasan ang pagiging makalimutin at magkaroon ng concentration. Mas maigi kung matutulog at least 7 ½ hours to 9 hours kada gabi. Kung nahihirapang makatulog sa gabi, komunsulta sa inyong doctor. Aang insomia ay maaaring sanhi ng sobrang caffeine, at pagkapagod sa gawain sa buong araw at maging ang ilan pang paggawa sa gabi. Maaaring sign ng medical condition tulad ng sleep apnea or restless leg syndrome.
Take steps to prevent infections – ang pagkakaroon ng annual vaccination ay nakatutulong din upang makaiwas sa mga sakit. Kung edad 65 anyos pataas, komunsulta sa doctor upang malaman kung dapat bang bigyan ng mas mataas na dose ng bakuna.
Schedule annual physical examination – ang pagkakaroon ng yearly checkups ay nakatutulong para mapanatiling healthy. May mga sakit gaya ng diabetes, at high blood pressure na hindi agad nakikitaan ng sintomas. Mas mabuti ang palagiang checkup para maagang ma-diagnose at hindi na lumalala pa.
Avoid contact with people who are sick– usong-uso ang physical distancing lalo ngayong pandemic. Kung kabilang sa may edad na, umiwas sa mga may sakit upang ‘di mahawa. Ang pagsusuot ng facemask, gloves, at paghuhugas ng kamay ay mahalaga lalo kung hindi maiiwasang may makasalamuha na may sakit na flu o infected ng CoVid-19, ito ay makatutulong upang ‘di mahawa.
(Sinaliksik ni MARY ANN G. MANGALINDAN)