Saturday , November 16 2024

Drama series nina Jen at Dennis trending sa Netflix 

SIMULA nitong Lunes (April 12), muling napapanood ang mga kapana-panabik na eksena sa hit drama series na I Can See You: Truly. Madly. Deadly sa replay nito sa GMA Telebabad. 

Ang Truly. Madly. Deadly ang huling installment mula sa unang season ng groundbreaking drama series na I Can See You na tampok sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa syudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay. Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian).

Samantala, nitong nakaraang buwan ay nag-trending ang nasabing I Can See You episode sa streaming platform na Netflix. Bukod sa Truly. Madly. Deadly., maaari ring mapanood sa Netflix Philippines ang ilan pang episodes ng unang season ng I Can See You na Love on the Balcony, The Promise, at High-Rise Lovers.   

Abangan ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly. pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *