HUMANTONG sa dead-end at walang daang malusutan ang dalawang maiilap na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga na nakipagtransaksiyon sa rehiyon sa mga hindi kilalang ahente ng PDEA3 (Philippine Drug Enforcement Agency3) at kalaunan inilipat ang deal sa Malate, lungsod ng Maynila na humantong sa kanilang pagkaaresto nitong Lunes ng umaga, 12 Abril sa isinagawang drug bust ng mga awtoridad.
Kinilala ni Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina Jose Elesito, 63 anyos, barangay tanod, kabilang sa mga high value individual (HVI); at Ricardo Amil, Jr., 34 anyos, may asawa, kapwa taga-Bgy. 14, lungsod ng Pasay.
Nakompiska mula sa mga suspek ang 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000 at pinaghalong tunay na P1,000 bill at boodle money bilang na ginamit sa operasyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa mga probisyon ng Section 5 (sale of dangerous drugs) may kaugnayan sa Section 26 Paragraph B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na isinailalim sa custodial investigation ng naturang ahensiya.
(RAUL SUSCANO)