Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulak dedo sa shootout sa anti-narcotics ops (Sa Nueva Ecija)

PATAY ang isang hinihinalang drug peddler sa ikinasang buy bust operation na humantong sa shootout sa pagitan ng suspek at mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police Station, nitong Biyernes, 9 Abril, sa Talipapa, lungsod ng Cabanatuan City, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa report ni P/Col. Jaime Santos, direktor ng Nueva Ecija PPO, dead on the spot ang suspek na kinilalang si Roberto dela Cruz, residente sa Mayapyap Sur, sa nabanggit na lungsod.

Nanlaban umano sa mga operatiba ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan mula sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 pistola, limang basyo ng kalibre 9mm baril, limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 25.24 gramo, nagkakahalaga ng P171,632, at marked money na ginamit sa operasyon. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …