SOBRA ang pasasalamat ng Clique V member na si Sean de Guzman sa patuloy na pagdating ng maraming projects sa kanya.
Matapos magbida at magpakita nang husay sa Anak ng Macho Dancer, maraming naka-line up na pelikulang tatampukan si Sean. Isa na rito ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, kasama si Teejay Marquez.
Ang pelikula ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Ayon kay Sean, nag-e-enjoy siya sa shooting ng kanilang pelikula na pansamantalang natigil nang nagka-ECQ sa Metro Manila.
Aniya, “Okay naman so far ‘yung three days shoot namin, pero dahil nagka-ECQ kaya na-stop muna ang shooting. So, hindi namin alam kung kailan magre-resume.”
Dagdag ni Sean, “Yes, nag-e-enjoy ako sa pelikulang ito, kakaiba siya, comedy ito at nakatatawa talaga lalo na kapag nasa set. Iba ‘yung nagiging aura ng mga tao, tawanan lang at ang saya. At lalo na, maninibago ka kay direk Joel, dahil first time ko mapasama sa idinirek ni Direk Joel na isang comedy. Kaya chill lang kami sa set.”
Kumustang katrabaho si Teejay? May intimate scene ba sila sa movie?
“Yes po, mayroon kaming intimate scene rito ni Teejay. Maayos katrabaho si Teejay, mabait, at professional,” saad ni Sean na under ng 3:16 Events & Talent Management ng mabait na manager na si Ms. Len Carrillo.
Incidentally, bukod kay Sean, ang iba pang talents ng Ms. Len na humahataw ang career ay sina Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carrillo, at Karl Aquino.
Ang apat ay mapapanood sa kaabang-abang na pelikulang Silab, under ng 3:16 Media Network.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio