GINULAT ng Kapuso actor na si Migo Adecer ang fans at followers sa social media nang magdesisyon siyang bumalik na sa Australia.
Si Migo ang Ultimate Male Survivor sa Season 6 ng Starstruck ng GMA at huling napanood sa Kapuso series na Anak ni Waray versus Anak ni Bida at sa isang episode ng My Fantastic Pag-ibig.
Nagpasalamat si Migo sa kanyang supporters at inihayag ang pag-alis sa showbiz sa kanyang Instagram.
“Alright peeps, this is it. Time for me to head out with a bang!” bahagi ng caption ni Migo.
“To the Philippines, I bid you farewell. To @gmanetwork @atistcenter I say than you for the epic opportunity to work for you guys,” dagdag pa ni Migo.
I-FLEX
ni Jun Nardo