Wednesday , November 20 2024
heat stroke hot temp

Mga usong sakit ngayong summer season at kung paano maiiwasan

Kinalap ni Mary Ann G. Mangalindan

SUMMER SEASON na talaga.

Nakapapaso sa balat ang sikat ng araw, mga oras sa hapon na parang nakatatamad din lumabas, habang ang iba naman ay gustong uminom ng malamig na softdrink o milktea na uso ngayon saan man.

Sa panahon ng tag-init kay sarap din magbakasyon sa probinsiya at makasama ang ating pamilya, sa isang masarap na salusalo at magkaroon ng maraming happy bondings. Pero hindi lahat ng oras kapag summer time ay kasiyahan, ito rin ‘yung panahon na dapat pag ingatan ang ating kalusugan mula sa matinding init na hindi maiiwasan ang sobrang pagpapawis, pananakit ng tiyan, heat stroke, dehydration at iba pa.

Ano mang panahon, ito man ay tag araw, tag-ulan o taglamig, tyak na may dalang problema sa kalusugan ng tao. Kaya’t dapat ingatan ang kalusugan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano ito maiiwasan.

Narito ang mga nakalap nating dapat gawin para maiwasan ang mga sakit na dulot ng summer season:

Dehydration –  Ito ang karaniwang problema sa panahon ng tag-init, ang dehydration sanhi ng  kakulangan ng tubig sa katawan. Nararanasan ang panunuyo ng lalamunan, panghihina, o matamlay na pakiramdam, pananakit ng mga kasukasuan, panunuyo ng balat, at kakaunting ihi na maaaring mauwi sa malalang sakit kung hindi bibigyan ng kaukulang pansin.

Upang maiwasan dehydration, ipinapayong uminom ng maraming tubig, lime juice, fresh fruit juices,  mga sariwang prutas na makatas o matubig gaya ng melon, pakwan, at citrus fruits. Sakaling nakaranas ng signs ng dehydration, sinasbai ng mga eksperto na maaaring uminom ng oral rehydration salts na inilalagay sa tubig para mabilis na makabawi.

Food poisoning ito ay karaniwang nangyayari kapag mainit ang panahon, kaya’t madaling kapitan ng bacteria ang mga pagkain o inumin kung ito ay maagang niluto, hindi malinis ang preparasyon, at itinago nang mahabang oras sa plastic container na maaaring mauwi sa pagkapanis o spoilage ng pagkain at beverages.

Gayondin ang mga hilaw na gulay, prutas at karne ay madali rin kapitan ng bacteria o pagkasira kung hindi tama ang pag­sa­saayos sa tamang lagayan.

Ilan sa mga sintomas ng food poisoning  ay pagkahilo, pagsusuka, panghihina, pananakit ng tiyan at sikmura at kung minsan ay pagkakaroon ng lagnat o kaya ay pagkakaroon ng typhoid fever sanhi ng bakterya na tinatawag na (Salmonella typhi). Ilan pa sa kauri nito ang tinatawag na jaundice o paninilaw ng balat, tissues at body fluids, sanhi ng abnormal na kondisyon ng paninilaw ng balat.

Sa pamamagitan ng blood test, maaaring malaman at matukoy kung anong uri ng impeksiyon ang kumapit sa katawan ng tao, upang mabigyan ng tamang lunas.

Pinakamainam na paraan upang maiwasan ang anomang uri ng impeksiyon at kontami­nasyon sa pagkain at inumin, tiyaking malinis ang mga kamay, at lutuing mabuti ang mga ulam o anomang lutuing pagkain.

Colds and flu Isang uri ng  viral infections na kadalasang nangyayari sa panahon ng summer  ilan sa sintomas nito ang lagnat, sipon, ubo, sore throat, burning eyes, at pananakit ng tiyan na maaaring magtagal makalipas ang ilang araw na pagpapahinga sa bahay.

Upang maiwasan ang nabanggit na mga sintomas ng colds and flu, panatilihin ang kalinisan sa katawan, iwasan ang pagbibilad sa matinding sikat ng araw, iwasan ang malamig na mga inumin  at kumain ng balanseng pagkain tulad ng gulay, prutas, isda at iba pa. Magkaroon  ng  healthy breakfast at regular exercise,  upang mapa­natili ang mabuting kalusugan.

About Mary Ann Mangalindan

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *