UMABOT sa kabuuang 3,215 health workers at iba pang medical frontliners na direktang nangangalaga ng mga pasyenteng positibo sa CoVid-19, mula sa mga pribado at pampublikong pagamutan ang naturukan gamit ang mga donasyong bakuna ng World Health Organization (WHO) sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Alinsunod dito, malugod na tinanggap ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ang mga doses ng Sinovac vaccine mula sa donasyon ng Department of Health Region 3, sa idinaos na turnover ceremony nitong Huwebes, 8 Abril, sa City College of Angeles (CCA) .
Pinagsisikapan ng pamahalaang lungsod na makakuha ng mga karagdagang bakuna para sa mga residenteng isusunod na babakunahan.
Samantala, inihahanda preparasyon sa pamamaraan ng pagbabakuna para maging maayos at epektibo ang daloy ng vaccibe roll out ng siyudad.
Hinimok ni Lazatin ang mga kabaleng Angeleños na makilahok sa online at house-to-house survey ng pamahalaan upang magkaroon ng angkop na sistema sa database ng master lists. (RAUL SUSCANO)