NADAANAN ng aking panonood ang interbyu kay Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj.
Wala pala ito sa bansa. At nasa United Kingdom pala ng mahaba-haba na ring panahon.
Pinabulaanan nito ang mga balitang kumalat na umano’y isa na siyang guro sa naturang bayan.
Nasa UK siya para mag-aral, sa Oxford University.
Narito ang mensahe ni Venus nang umalis siya ng bansa noong Enero 2, 2020.
“Leaving with mixed feelings!
“Today, I’m leaving for the UK to journey at the OCCA The Oxford Center for Christian Apologetics.
“I’m joyful and grateful for the opportunity and excited for what God has planned for me, but also have some questions in mind.
“Questions like, why do i have to leave at this very specific season? Why now? Why in the midst of a pandemic? Why in an unstable situation? Why leave the people I love? Why get out of my comfort zone? I know that this is just for 6 months, but this will be the longest that i’ll be away from home.
“I still do not have the answers to my own questions, but I trust that the God who brought me here is the same God that will sustain me. I trust that He has a plan for my life. I trust that He will use this for me to know Him more and for this privilege to be an instrument to further His Kingdom. I trust that His will is good, pleasing and perfect. I trust the hands of my Father who opened this door of opportunity for me.
“I will be away, but I am with you in praying for our beloved country and for the body of Christ. Please pray for me as well as I journey in Oxford for the next 6 months and for my family that will be left behind. I will see you again soon! ”
Sabi naman ni Venus, sa Hunyo ay babalik na siyang muli sa Pilipinas. Kinuha lang niya ang pagkakataon bilang isang scholar sa nasabing kurso.
Kung ano ang major effect na ibibigay nito sa ikot ng buhay ng dalagang inamin ding loveless siya for now, ay maibabahagi niya sa kanyang pag-uwi.
Chistian Apologetics. Bagong kurso sa pandinig ng marami sa atin.
“It’s giving an answer, defense, explanation about our faith,” tugon nito kay Ms. Winnie Cordero.
At ayon nga kay Venus, pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa ating Panginoon, sa pananampalataya ay very passionate siya talaga.
“It equips me to share to people what the Faith is all about.”
Napakasaya nga niya nang dumating ang pagkakataon kaya agad niyang sinunggaban ang nasabing scholarship. Ang makapag-aral din sa ibang bansa. At sa ilalim ng isang taon lang na programa.
“I still don’t know about the future. What’s gonna happen. I am just taking it lang one day at a time. Step by step.”
Para sa mga susunod sa kanyang yapak sa pagkakaroon ng pagkakataong makalaban sa pandaigdigang mga patimpalak, ang pinaka-payo ni Venus sa mga kadalagahan ay ang hindi pagkalimot na magdasal sa Panginoon.
“Ladies, you are worthy in the eyes of God.”
At hindi nga lang ‘yun sa pisikal na kaanyuan, ganda o kahit pa karunungan nakikita.
Naniniwala siya na tayo ay hinulma at ginawa sa imahe ng ating Panginoon.
Major, major na mga sagot nga ang maibabahagi ni Venus sa atin sa kanyang pag-uwi at kung paano niya gagamitin ang napag-aralan sa buhay niya at ng marami pang mga tao.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo