Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
CoVid-19 vaccine taguig

4th at 5th Vaccination Sites sa Taguig City binuksan na

UPANG patuloy na mapa­lakas ang programang pagbabakuna ng Taguig City government, binuksan nitong Miyerkoles, 7 Abril, sa publiko ang 4th at 5th vaccination sites sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School na matatagpuan sa Barangay Central Signal.

Ang karagdagang community vaccination centers ay makatutulong sa dalawa pang kasalu­kuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan, at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kauna-unahang community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsimulang mag­bakuna ang lungsod noong 31 Marso sa mga nakalista sa CoVid-19 Vaccine Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Nagsimulang mag­bigay ang Taguig ng pangalawang dose ng bakuna sa mga A1 category (medical frontliners).

Ang Taguig ay mag­papatuloy na magbigay ng bakuna sa mga Taguigeño hanggang maubos ang nakuhang suplay mula sa national government.

Inaasahan ng Taguig na ang inorder nitong CoVid-19 vaccines mula sa AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna ay darating sa third quarter ng taon.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na magbukas ng karagdagang vaccination hubs sa Taguig nang sa gayon ay maabot ang mas maraming residente ng siyudad sa programang pagbabakuna laban sa CoVid-19.

“Ang bakuna ay isa sa mga paraan upang masugpo ang virus at sa gayon ay tuloy-tuloy ang lakbay natin patungong new normal. Sa kabila ng mga pagtaas ng kaso ng CoVid at tayo ay sumasailalim sa ECQ guideline, ang Taguig ay patuloy na itinutulak ang mga programa upang palakasin ang ating science-based at expert-approved initiatives,” paliwanag ni Mayor Lino Cayetano.

Ang lahat ng residente ng Taguig ay hinihikayat na magrehistro sa TRACE Taguig para sa vaccination schedule.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …