Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd tinanggap ang pagnininong sa kasal ni Maja

MALAPIT na nga kayang ikasal sina Maja Salvador at Rambo Nunez? Naniniwala kasi kami na kapag may gustong sabihin at idinaan sa biro, half-meant iyon.

Topic kasi ni Maja sa kanyang vlog sa YouTube channel niyang Meet Maja ang kunwari ay nag-propose na sa kanya si Rambo at in two weeks time ay ikakasal na sila thru civil at isa-isa niyang tinawagan ang mga kaibigan niya.

Iba pa ‘yung kunwari nag-away sila ni Rambo at naghiwalay tapos kailangan niyang bayaran ang utang niyang P2-M na handa naman siyang pautangin ng mga kaibigan.

Isa si Jake Ejercito sa handang magpahiram ng P100k sa aktres para ipambayad ng utang kay Rambo, sumunod si Thou Reyes na P2-M naman ang ipahihiram sa kaibigan. Pero failed si Maja kay Aiko Melendez dahil natunugan nitong prank lang kaya nagkatawanan silang dalawa.

Sina Rayver CruzKakai Bautista, Joshua Garcia, at Enchong Dee ay inis na inis nang malamang prank lang ang nalalapit na pagpapakasal nina Maja at Rambo sa March 28 dahil sobrang masaya sila para sa kaibigan at lahat ng lakad nila sa nasabing petsa ay ika-cancel nila para makadalo sa nasabing kasal.

At nang si John Lloyd Cruz na ang tinawagan ni Maja para kuning ninong, asang-asa na talaga ang aktor.

Tinanong ni Maja kung kailan ang balik ng Maynila ni Lloydie dahil nga kasalukuyan itong shooting ng pelikula niya out of town.

Say ng dalaga, ”Mga March 28 kaya nandito ka na?”

Sagot naman ni JLC, ”Siguro naman oo. Bakit?”

“Wag ka muna maingay. Hindi ka naman madaldal. Attend ka naman sa civil wedding namin ni Bo. Nandoon ka, ha, pramis. Sabihin ko sa iyo kung anong oras,” say ni Maja.

Ayon sa aktor, ”O, sige 28. Hindi, teka lang kasi mag-o-oo na naman ako tapos ‘di ko pa alam.”

Hirit ni Maja, ”Oy, dapat nandoon ka grabe ka sa akin, ninong ka nga eh.”

“Sige, sige oo. Kung wala man ako, uuwi ako,” pahayag ni John Lloyd

 ”Ready ka na ba para sa akin?” balik-tanong ni Maja sa aktor.

“Oo, matanda ka na,” kaswal nitong sagot.

At sabay sabi ng dalagang prank lang iyon.

“Ah, ganoon? Ang corny naman ng reaction ko,” kaswal na sagot ng aktor.

Sobrang natuwa si Maja dahil nakita niya ang effort na gagawin ni Lloydie na luluwas pa para sa kasal niya.

”At least, uuwi ka, ‘di ba? Effort! I felt the love,” sambit nito.

At si Alex Gonzaga na paniwalang-paniwala na dahil hindi naman siya tatawagan ni Maja kung walang malaking balitang sasabihin tapos biglang prank kaya nanggigil din siya.

Nabanggit ni Maja na maraming may gustong mag-collab sila ni Alex.

“Heto namang mga ‘to gusto ng collab pero ni-prank n’yo pa ako,” sabi ni Alex.

Dagdag pa, ”na touch pa ako na talaga bang ini-invite ako ni Maja sa wedding? As in nanggigil ako sa ‘yo kasi prinank mo ako talaga!”

Anyway, abutin na ng 1M ang views ng nasabing episode ng Meet Maja.

Samantala, umere na ang Nina Nino serye sa TV5 nitong Lunes, Abril 5 kasama ni Maja sina Noel Comia Jr, Empoy Marquez produced ng Cignal Entertainment na line-produced ng CS Studios at Spring Films at idinirehe ni Thop Nazareno.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …