TRENDING kamakailan ang vlog ni Ivana Alawi sa YouTube ang pagpapanggap niya bilang pulubi na nanghihingi ng pamasahe pauwing Baguio.
Umabot sa 18M views ito sa loob ng dalawang linggo kaya maraming netizens ang nagsabing posibleng kasuhan ang dalaga sa ginawa niyang pamamalimos o panghihingi dahil mahigpit itog ipinagbabawal at may batas tungkol dito.
Aniya, ”Kung may nilabag akong batas, eh ‘di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba?
“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people.
“Wala akong tinapakang tao, wala akong sinaktang tao. Masaya ako sa video and I would do it again.
“Hayaan na lang natin. Na-realize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila.”
Ang layunin ng video ay para testingin ang kapwa niya Filipino pagdating sa pagtulong lalo na ang mga tindero at tindera sa lansangan na nag-abot sa kanya at pinalitan naman niya ito ng malaking halaga bagay na ikinatuwa ng marami dahil hindi nila sukat akalain na ‘yung kaunting halaga nilang itinulong sa inakalang pulubi (si Ivana) ay prank pala.
Nagmarka ang lahat sa huling nabigyan ni Ivana ng P20K, ang nagtitinda ng kutsina na si Tatay Joselito na kahit hirap sa pagbubuhat ng paninda habang naglalakad ay nagawang magbigay ng pagkain at kaunting halaga.
Kuwento ng aktres, ”Right after ko inilabas ‘yung vlog na street prank, nagkita kami after two days. Pina-swab ko siya tapos nakapag-usap, nag-lunch, and I helped out in my own small ways.”
Binigyan din niya ng motor ang matanda, ”Tay, motor niyo po ‘yan. Sa inyo na po ‘yan, Tay. ‘Wag na po kayo magba-bus masyado. Sa inyo na po ‘yan, Tay.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan