Wednesday , November 20 2024

#Alagang Globe: Libreng medical insurance vs CoVid hatid ng Globe At Home, GCash at Singlife

NAGSANIB-PUWERSA ang Globe At Home at GCash para suportahan ang kanilang prepaid customers lalo’t tuloy ang banta ng CoVid-19.

Bukod sa connectivity ngayong new normal at cashless transaction, magbibigay rin ang Globe At Home sa mga prepaid customer nito ng LIBRENG medical insurance coverage kontra CoVid-19 at dengue mula sa GInsure at may bisa ito hanggang tatlong buwan. Hatid ng Singlife, maaaring  makakuha ng benepisyo hanggang P140,500.

Para sa At Home at Unlipostpaid plans subscribers, maaari nilang makuha ang medical coverage simula 26 Marso (para sa bagong subscribers) at 4 Abril 2021 (para sa dating subscribers).

“Ramdam namin ang pangamba nina tatay, nanay, ate at kuya tuwing lumalabas ng bahay para

maghanapbuhay. Naniniwala kami  na kung sila ay magkakaroon ng dagdag na libreng medical insurance coverage, mababawasan ang kanilang pag-aalinlangan at madaragdagan ang kanilang kompiyansa para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Kasi sa panahon ngayon, hindi lamang internet ang importante sa kanilang pamilya kundi pati proteksiyon laban sa CoVid-19. At iyon ang ibibigay namin sa kanila,” paliwanag ni Darius Delgado, head ng Broadband Business sa Globe.

Kailangan ng mga Globe At Home Prepaid WiFicustomers na gumamit ng mga sulit na promo ng Home Prepaid WiFi gaya ng HomeSURF99 at pataas, SURF4ALL99 o kaya ay HomeWATCH199 at pataas tapos i-redeem ang libreng insurance sa GInsure para makakuha ng proteksiyong pinansiyal mula sa mga medikal na gastusin dahil sa CoVid-19 at Dengue.

Para makuha ang insurance coverage, kailangan ng Globe At Home Postpaid customers na i-download ang Globe At Home App. Kung mayroon silang app, kailangan lang i-update ang kanilang personal na impormasyon.

Sa halagang P99 para sa HomeSURF99, may libreng 10GB na data ang mga Home Prepaid WiFi customer sa loob ng limang araw. Sulit sa pag-aaral, pang-work from home, at entertainment para sa buong pamilya!

“Malaking bagay na kahit paano ay may CoVid-19 at dengue insurance ang ating customers lalo’t hindi pa natatapos ang banta ng pandemya sa ating bansa.

Dagdag na kompiyansa na rin sa kanila ito dahil may magagamit silang proteksiyon kontra CoVid-19 at dengue,” sabi ni Delgado.

Dapat gamitan ng Globe At Home SIM ang mga Home Prepaid WiFi modems para magamit at masulit ang mga exclusive offers na alok ng Globe.

Dahil walang tigil at agresibong network expansion at modernisasyon ng network ng Globe, naging mas maayos at maganda ang mobile data experience ng mga kustomer nito. Base sa datos ng Ookla, lumabas na ang telco ang may pinakamagandang mobile average download speed sa lahat ng mga teknolohiya sa bilis na 16.44 Mbps noong Q4 2020 kompara sa 13.50 Mbps na naitala noong Q4 ng 2019, o 22% pag-unlad.

Suportado ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), lalo ang UN SDG No. 9 na nagbibigay ng pagpapahalaga sa papel ng impraestruktura at pagbabago bilang mahahalagang bahagi ng pag-usbong ng ekonomiya at pag-unlad.

Nangako ang Globe na isusulong ang 10 prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *