Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rice Farmer Bigas palay

Rice farmers sinanay sa pagpapalakas ng rice production

LIBO-LIBONG mag­sasa­kang nagtatanim ng palay ang nakinabang nang sumailalim sa pagsasanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019.

Ayon kay Karen Eloisa Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng RCEF-RESP, mas maraming magsasaka at trainers ang naturuan ng extension services.

Ngayong 2021, titiyakin ng ahensiya na palalawakin ang mga inisyatibo upang bigyan ang mga mag­sasakang Filipino ng tamang impormasyon ukol sa mga pamamaraan at teknolo­hiyang makapag­pababa ng gastusin at makapagpataas ng ani ng palay.

Sa ilalim ng RCEF-RESP, tinatayang 1,600 magsasaka ang dumaan sa pagsasanay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa rice crop production, modern rice farming techniques, seed production, at farm mechanization.

Kabilang sa trainees ang mga magsasaka, mga may-ari ng sakahan, mga tauhan nila, at mga empleyado ng pamahalaan mula ATI, TESDA, at mga provincial agricultural offices.

Nabatid, apat na klase ng pagsasanay ang ipinatupad alinsunod sa layuning tumaas ang ani at kita ng rice farmers.

Para sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kabilang sa mga pagsasanay ang Rice Specialists’ Training Course, Training of Trainers, Farmers Field Schools, at seminars o field days.

Kaakibat ng PhilRice ang Agriculture Training Institute (ATI) at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagpapatupad ng mga nasabing training.

Dahil nagmumula ang mga trainee sa iba’t ibang probinsiya, nagkaroon ng mga pagbabago sa metodolohiya ang mga pagsasanay alinsunod sa health protocols na ipinataw dahil sa pandemya.

Upang mas maikalat ang makabagong mga teknolohiya’t gawi na angkop sa rice farming, mahigit tatlong milyong materyales tulad ng leaflets, posters, flipcharts, handouts, flash cards, technology calendars, at videos ang ipinamigay ng DA – PhilRice sa mga magsasaka at iba pang stakeholders.

Habang sa social media, mahigit tatlong milyong engagements ang nakalap ng PhilRice sa mga posts nito ukol sa modernized rice production.

Sa pag-aaral ng DA-PhilRice, 97 porsiyento ng 3,500 rice farmers na tumanggap ng leaflets at nanood ng videos ukol sa seed distribution ang nagsabing nakatulong ang nasabing mga materyal sa paglawak ng kanilang kaalaman sa rice production.

Ayon kay Barroga, mas tutuunan ng pansin ng RCEF-RESP ang mga paksa tulad ng land levelling, crop establishment, nutrient management, at pest management sa susunod na mga buwan upang mas umunlad ang sektor ng rice farming sa bansa.

(BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …