Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan! Ito ay pagpapakilala at pagbibigay paggalang sa mga karapatan at mga nakamit ng kababaihan.. Ito rin ay orihinal na naglalayong makamit ang buong pagkakapantay-pantay sa kasarian sa buong mundo.
Sa darating na ika-29 ng Marso 2021 ang PCSO ay mamimigay ng libreng MegaLotto 6/45 ticket na nagkakahalaga ng P100.00 para sa mga maswerteng kababaihan bilang pagkilala sa kanilang natatanging ambag sa lipunan .
Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Product & Standard Development Department (PSDD) na tinawag na “MEGA TICKET PARA SA JUANA”: ISANG PASASALAMAT! Ang layunin ng proyektong ito ay upang pasalamatan ang mag kababaihan na naging matatag, matapang at nagpakita ng kalakasan harapin ang hirap ng buhay lalo na sa panahon ng pandemya. Ang PCSO ay naniniwala na malaki ang ambag ng mga kababaihan sa lipunan kaya marapat na sila ay kilalanin at bigyan parangal.
Ang unang 50 Juana players na maglalaro ng minimum na dalawampung piso (P20.00) para sa sa kahit ano mang laro sa lotto sa PCSO Games Hub na matatagpuan sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City ay makakuha ng libreng MegaLotto tiket.
Samantala, ang unang 15 maswerteng kababaihan naman na bibili ng minimum na dalawampung piso (P20.00) para sa anumang laro sa Lotto sa mga PCSO Branches nationwide ay makakatanggap din ng libreng MegaLotto ticket 6/45.
Ipinapaalala ng PCSO na hindi maaring sumali ang sino mang empleyado ng PCSO para sa proyektong ito.
Hinihimok ni GM Royina M. Garma ang bawat Juana na lumahok sa Marso 29, 2021, at makisali. “Inilaan ng PCSO ang araw na ito para sa kabayanihan ng mga kababaihan sa buong Pilipinas para sa kanilang dedikasyon at matapang na pagharap sa pandemya. Hatid ng PCSO ang pag- asa para sa mga mahihirap na nangangailangan kaya tangkilikin po natin ang lahat ng palaro ng PCSO. Umaasa po kami na ang susunod na milyonaryo ay isang Juana na lalahok sa March 29!”
PCSO: “Ang Larong May Puso”.
“Maliit na Halaga, Dala ay Pag Asa”
“Walang Humpay na Malasakit”