Saturday , November 16 2024

Pampanga ex-Provincial Health Officer pinarangalan (Sa death anniversary)

HUWAG pahalagahan ang mga materyal na bagay dahil panandalian lang ito, sa halip ay pahalagahan ang Faith, Hope, at Love, and do not walk side by side instead walk by faith. Kagaya ng pagpapaalala sa atin ng CoVid-19, ang kamatayan na ‘di natin natitiyak ang pagdating, bukas o, sa ‘makalawa, na dapat paghandaan.”

Sinambit ito ng Kura Paroko sa kanyang homilya sa inihandog na misa at pasasalamat ng mga empleyado ng kapitolyo at kapwa frontliners, mga dating tauhan, at kasamahan ni Dr. Marcelo Jaochico, Provincial Health Officer sa lalawigan ng Pampanga sa paggunita ng kanyang death anniversary nitong Miyerkoles, 24 Marso.

Ayon sa Kura, kahit patay na ang isang tao ngunit nag-iwan ng legacy, siya ay mananatiling buhay sa isipan at puso ng kanyang mga naiwan tulad ni Dr. Jaochico na itinuturing na bayani ng mga Kabalen dahil sa kanyang hindi matatawarang pagmamahal sa serbisyo bunsod upang manatiling buhay sa alaala ng kanyang kapwa frontliners.

Hinimok ng pari ang mga empleyado na sundan ang magagandang ginawa niya sa kapwa.Nagsilbing paalala ang death anniversary ni Dr. Jaochico na maaaring malagay sa panganib ang buhay ng frontliners sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Sa kasalukuyan, umabot sa 10,000 ang nabakunahan, ayon sa talaan ng Provincial Health Office ng lalawigan.

Ayon sa kanyang mga dating kasamahan, Pebrero 2020 pa lamang ay inihanda na ni Jaochico ang Provincial Health Office upang labanan ang CoVid-19 na labis nilang pinasasalamatan at pinuri.

Si Dr. Marcelo Jaochico ang unang frontliner ng Pampanga na nasawi sanhi ng coronavirus, at inihimlay ang kanyang labi ng pamilya sa Our Lady Of Guadalupe Parish, ng Diocese of Novaliches, sa Quezon City. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *