Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iyo Canlas bubulaga sa isang children show

KUNG igu-Google mo ang ngalang Iyo Canlas, agad na bubulaga sa pahina nito ang sinapit niyang car accident noong 2016. Na kung titingnan mo ang larawan ng sasakyan niyang pumailalim sa isang 18-wheeler truck, hindi mo aakalain na mabubuhay ang star player at isa sa top athlete ng bansa sa larangan ng Tennis.

Maingay ang pangalan niya sa UAAP(University Athletic Association of the Philippines).

Nakaharap namin sa isang tsikahan si Iyo. Matapos niyang pumirma ng kontrata sa muling nagbabalik sa pagma-manage ng artists na si Shandii Bacolod sa kanyang Team MSB.

Nag-krus ang landas nila sa Zoom. Virtually. Nang may mag-suggest kay Iyo na mag-audition sa production ni Shandii para sa children’s show na The Dada Doos.

Nakita ni Shandii at mga kasama ang husay ni Iyo sa pagkanta na siyang tema ng programa. Bahay Kubo ang ipinaawit sa mga gaganap na bata sa palabas. Pumasok si Iyo sa Top 5.

Binalikan namin ang dinaanang madilim na kabanata sa buhay ni Iyo matapos maaksidente. Brain contusion. Naputol o nahati sa dalawa ang dila. May spinal fracture. Hindi nakasalita. Hindi nakalakad. Lahat ay sinarili lang niya.

Pero may mga siwang ng pag-asang dumarating at dumarating sa palad niya. Scholarship sa Spain. Na naipagpatuloy pa niya ang kanyang Therapy.

Kalaunan, offer na para magtrabaho sa ibang bansa ang dumating sa kanya gayundin ang mga commercial na nagawa naman niya gaya ng Coca-Cola.

“Roon ko na naisip na parang showbiz found me. May background naman ako sa Theater while studying sa Ateneo. Nagkaroon din ako ng chance to have workshops sa ABS-CBN.  Kaya, noong makausap ko na si Shandii  and he came to know kung ano pa ang gusto kong gawin sa buhay ko alam ko na ito na ang gusto ko. And here it is na.

“Noong una, ang hirap kong ikuwento the ordeal I went through. Maski parents ko hindi ako makapag-open up. But now, I just don’t want that incident to define who I am. Dahil alam ko, there’s more to that. And I believe there is beauty in uncertainty. Marami akong questions before. In my mind lang lahat. Nasasagot naman.”

Ano ang kaya niyang gawin at ibigay? Pajay ang BL series ngayon. Daring ang mga eksena.

“Nagka-offer na ako before. Sinabi ko na hindi pa ako ready. Pero in the future, it will all depend pa rin sa kakailanganin kong gawin.  If I want to build a career here, I have to be ready.”

Sa pagbabalik naman ni Kween Shandii sa magma-manage, limang talents muna ang bibigyang-pansin niya. Isa na rito ang foreigner na si Nicolo Fowler o Nico Loco. At may tatlo pang magsa-sign-up sa kanya after the Holy Week!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …