Saturday , November 16 2024
arrest prison

Manager, caretaker, 2 pa timbog (Nagsabwatan sa pagnanakaw sa poultry farm)

ARESTADO ang nag­sabwatang manager at caretaker upang ransakin ang JJ Rock Poultry farm matapos silang inguso ng dalawa nilang kasamahan na nauna nang natiklo nang matiyempohan ng Talavera Municipal Police Station patrollers nitong Lunes ng madaling araw, 22 Marso, sa Brgy. Sampaloc, bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang mga suspek ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera PNP, na sina alyas Ray, 22 anyos, farm manager, residente sa San Mariano Maugat, sa bayan ng Peñaranda; alyas Jerry, 38 anyos, farm caretaker; alyas Joseph, 32 anyos; at alyas Jomel, 29 anyos, kapwa residente ng Jaen, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 1:00 am kamakalawa nang ransakin ng mga suspek ang poultry farm.

Natiyempohan ng police patrollers ng Talavera PCP 2 na sina P/SSgt. Melvin Sagcal at P/Cpl. Jaypee Acierto, kasama ang mga tanod, ang mga suspek na sina alyas Joseph at Jomel sa daan na marurungis at puno ng putik ang katawan habang kinakarga ang apat na sako ng poultry feeds sa nakaparadang kolong-kolong at nang sitahin ay pinaarangkada patakas ang dalang motorsiklo patungong by-pass road.

Sa kanilang pagkakahuli, inginuso ang farm manager at caretaker na siyang mastermind sa pagnanakaw at tumatayong lookout sa loob ng naturang farm.

Nahaharap sa kasong qualified theft sina alyas Ray at alyas Jerry, samantala kasong theft ang isasampa laban kina alyas Joseph at Jomel.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *