Saturday , December 28 2024

Globe customers na gumagamit ng 4G LTE lomobo

PUSPUSAN ang pagkilos ng Globe tungo sa pagtatamo ng #1stWorldNetwork na mas maraming customers ang naka-4G LTE ngayon.

Aktibong ipinoposisyon ng telco ang 4G bilang bagong pamantayan ng mobile internet sa bansa.

Ang paglipat sa mas makabago at mas mabilis na  4G LTE technology ay nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga customer na gumaganit ng 3G technology at 3G data usage.

Nagtala ang Globe ng 47.4% pagbaba sa bilang ng mga customer na gumagamit ng  3G mula Mayo 2020 hanggang Enero ngayong taon.

Ang 3G ang third generation ng wireless mobile telecommunications technology na unang ipinakilala noong 2001.

Nagtala rin ang telco ng 34% pagtaas sa bilang ng mga  customer na gumagamit ng LTE mula Mayo 2020 hanggang Enero 2021.

“We have been anticipating the decline in 3G users as more customers are realizing the benefits of using 4G LTE for better data experience and faster internet speed. This provides more value for money and better mobile experience if they are connected to our 4G LTE network,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Idinagdag ni Agustin, sa paglipat ng bansa sa ‘new normal’ marami pang  Globe customers ang gagamit ng 4G LTE technology para sa kanilang work from home, distance learning at iba pang kahingian.

Umaasa ang Globe na tataas pa ang 4G LTE volume usage sa patuloy nitong pagpapalawak sa 4G LTE network, kabilang ang mga liblib na lugar at iba pang strategic locations sa buong bansa.

Hinihikayat ng Globe ang mga nalalabi nitong customers na gumagamit pa rin ng 3G SIM cards na i-upgrade ito sa 5G-ready 4G LTE SIM cards.

Ang pag-upgrade sa 5G ready 4G LTE SIM card ay libre sa lahat ng Globe Stores. Gayon din ay mapananatili ng mga customer ang kanilang lumang numero.

Para sa security reasons, ang mga customer ay pinapayohang i-upgrade ang kanilang SIM cards sa lahat ng Globe Stores. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa

https://www.globe.com.ph/help/mobile-internet/lte/faqs.html.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *