Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mico out na rin sa Happy Time

DAHIL sandali pa lang nakasalang si Mico Aytona sa pantanghaling programa ng Net25, ang Happy Time (with Boobsie Wonderland and CJ Hiro) na   kapalit ng mga tinanggal na sina Kitkat at Janno Gibbs, hindi mo mapapansin na wala na rin pala ito.

At ang singer na si Dingdong Avanzado na ang naging kapalit ni Mico sa programa matapos na mag-guest at kumanta si Dingdong sa Happy Time.

Napapanood din naman si Mico sa Tagisan ng Galing noon.

Nakatsika ko saglit si Mico nang mapanood ko ang pagla-live niya sa pagpapakita ng kanilang family owned business na Prime Care Dialysis Center. At naisingit ko sa mga komento ang pagtatanong kung wala na nga ba siya sa Happy Time.

Simpleng, ‘Opo’ lang ang isinagot nito sa amin.

Pero naidagdag naman niya na sa sasandaling panahon na nabigyan siya ng pagkakataon ay nagawa naman niya ang magpasaya ng mga tao.

Nabanggit din niya na sa mula’t mula naman ay naging malaking parte na ng buhay niya ang buhay sa showbiz. Nasalang din naman siya sa mga pelikula matapos ang kanyang Animé days.

Ang kanyang married life with two daughters ang nagsisilbing inspirasyon kay Mico ngayon sa pagpapatuloy sa pagtahak sa tulay ng buhay sa kanyang normal life.

Ano ba, sabi ko ang abnormal?

“Okay naman na mabigyan pa rin ng pagkakataon sa iba pang magagampanan. This time, kahit paano nagkakaroon pa rin ng trabaho. At okay sa akin ‘yun. Pero ngayon, I have to focus na rin sa aming business. Para rin naman sa maitutulong pa namin sa mga nangangailangan when it comes to health care.”

Mahusay na singer at dancer si Mico. Sa maraming pagkakataon, sa mga event na siya ang nagho-host namin ito nakikita. At isa ring aktor.

Hit and miss din madalas ang showbiz. Sabi nga you have to be at the right place, right time and right moment when the opportunities come para kung mag-i-strike si Luck.

Pero hindi pa rin kami titigil usisain si Mico sa tunay na dahilan.

Kahit pa isang insider na ang nagsabi sa akin na may ibang project daw kasi na ibibigay kay Mico. Kung acting, dancing, singing o hosting eh, wala pa namang klinaro sa akin ang kausap ko.

Mukhang mas nababagayan silang ilagay si Mico sa acting department. Sa PARAK nga ba siya makakasama?

Baka ito na ‘yung right time, right moment, right chance para sa maituturing na ring frontliner ngayon na si Mico!

Siyempre, hinanap din naman siya ng mga gusto ng masanay na kapalitan siya ng tawanan at tsikahan sa tatlo pang hosts ng Happy Time.

Oo naman, ako nakakapanood. Pero siyempre lagare ang remote ko!

‘Wag kayong judgemental dahil ang tanghali eh, showtime ng lahat talaga kaya happy lang dapat while LOL lahat!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …