Wednesday , November 20 2024

Kayang-kaya ang magkabahay kahit may pandemya — Ka Tunying

 “Kaya natin ‘to”, ‘yan ang nasabi ni Mr. Romarico “Bing” Alvarez, Chairman of the Board of P.A. Alvarez Properties & Development Corporation, matapos pumutok ang balita ng pandemya.

Isa ang Real Estate sa mga industriyang talaga namang sinubok ng COVID-19; mula sa pag hinto ng operations, pagbagal ng constructions at paghina ng sales. Ngunit, hindi nagpatinag sa pagsubok ang P.A. Properties, mabilis itong sinolusyunan ng kanilang pamunuan, kaya naman, mula 3rd -4th quarter ng taong 2020, kasabay ng unti- unti pagbalik ang operations, unti- unti rin silang nakabangon.

Ang kagustuhang makapag-bigay ng abot-kayang pabahay ay matagal nang nakaukit sa puso ni Mr. Alvarez, dahil ito ay pangarap pa na nagsimula sa kaniyang ama. Dahil dito, nakagawa na ang P.A. Properties ng 40 communities at nakapagtayo na sila ng mahigit sa 20,000 na bahay mula nang sila ay magsimula 26 na taon na ang nakalilipas. Patuloy silang gumagawa ng mga proyekto sa Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga at Metro Manila; dagdag pa nila, itutuloy nila ang pagiging parte ng solusyon sa problema ng bansa sa kakulangan ng pabahay na base sa datos ng Subdivision and Housing Developers Association, Inc (SHDA), tinatayang aabot ito sa 12 million units sa taong 2030.

Dala ang adbokasiya ng P.A. Properties, napag-desisiyunan ni Mr. Alvarez na mas mapalawak at mas marami pa ang maabot ng kanilang mga proyekto, kaya naman, personal niyang pinili si Mr. Anthony “Ka Tunying” Taberna na maging new face ng P.A. Properties, dahil sa variety ng  mga taong nakikinig at umiidolo sa kaniya; mapa professionals man, businessmen, mga kababayan natin sa ibang bansa at marami pang iba. Para sa real estate developer na ito, si Ka Tunying ay ehemplo ng isang masipag na Pilipino, na may kagustuhang makapag bigay ng kabuhayan para sa pamilya. Naniniwala rin ang P.A. Properties na ang determinasyon sa buhay ni Ka Tunying ay kapantay ng kanilang determinasyon sa pagtulong sa mga Pilipinong abutin ang kanilang pangarap na magka-bahay.

Bago pa man ang endorsement agreement, minsan nang nai-feature ni Ka Tunying ang P.A. Properties sa kaniyang Youtube Channel na Tune in Kay Tunying. Dahil sa episode na iyon, nalaman niyang ang puso ng kompanya ay hindi nakatuon lamang sa mga stakeholders ngunit sa mga empleyado rin nito. Sa katunayan mayroong espesyal na arrangement ang kompanya sa kanilang mga empleyadong nagnanais makakuha ng kanilang sariling tahanan.

Tama bang bumili ng bahay sa kalagitnaan ng pandemiyang ito?- Isa sa mga tanong na ibinato ni Ka Tunying sa P.A. Properties. Ayon sa real estate developer, sa panahong ito, may mga positibong rason para  bumili ng bahay, isa na rito ang dami ng mga promotional initiatives; tulad ng malalaking discounts sa mga ready – to – occupy units. Mas pinadali rin ang terms of payment at binigyang konsiderasyon ang mga mamimili. Marami na rin ang iba’t ibang payment methods na kanilang ibinigay at pati ang reservation ay maaari nang gawin online. Kaya naman, naniniwala si Ka Tunying na kahit sa gitna ng pandemyang ito “kayang- kaya” ang magkaroon ng sariling tahanan lalo na’t kung  P.A. Properties ang kasama mo.

Ilan pa sa nagustuhan ni Ka Tunying sa P.A. Properties ay ang pagiging affordable nito gayundin ang disenyo ng bawat units, kasama na rito ang planning ng bawat properties na personal niya mismong binisita. Katuwang ang Pag-IBIG Fund, mas naging cost- competitive ang mga bahay rito; sa halagang P6,300 na monthly amortization at mababang equity, maaari ka nang magkaroon ng sariling bahay. Isa pa sa ipinagmamalaki ng P.A. Properties ay ang kanilang project developments na nakapaligid rin sa kanilang subdivisions, ito ay upang matugunan ang basic necessities at services ng kanilang homeowners.

Ang P.A. Properties, katuwang si Ka Tunying bilang kanilang new brand ambassador, ay naglalayong magkaroon ng mas matagumpay pang mga proyekto sa mga susunod na taon. Patuloy ang kanilang pagbuo ng bahay at pangarap, kasabay ng pagpapalawak pa ng kanilang developments sa CALABARZON, Central Luzon at Metro Manila. Naglalayon din silang abutin ang ilan pang progresibong rehiyon upang mas mapalawak pa at maihatid sa kapwa Pilipino ang kakayanang makamit ang pinapangarap na bahay at buhay.

Kaya sa pagtuntong ng panibagong taon, nagagalak ang P.A. Properties na makasama si Ka Tunying sa pagtupad ng pangarap na magkabahay ang bawat Pilipino.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *