Wednesday , October 9 2024

Gardo sa Biyernes Santo — puwedeng isabay sa Hollywood

NAPAPANAHON ang bagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Biyernes Santo na nagtatampok kina Ella Cruz, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea Del Rosario, at Via Ortega na idinirehe ni Pedring A. Lopez.

Ang Biyernes Santo ay ukol kay Roy Asuncion (Gardo), isang dating senador na dinala ang kanyang traumatized na anak na si Aurora (Via) sa isang rest house sa probinsiya para sa Semana Santa at ito ay isang taon pagkalipas ng karumal-dumal na pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa isang supernatural attack. Hiningi niya ang tulong ng kanyang malayong kamag-anak na si Grace (Ella), na isang espiritista upang protektahan si Aurora mula sa masasamang espiritu na umaaligid sa kanilang pamilya tuwing Semana Santa.

Sa pagsisimula ng Semana Santa ay nagkulong na sina Roy, Aurora, at Grace sa rest house na sadyang inihanda para protektahan sila sa masasamang espiritu. Mas tumindi ang atake ng masasamang espiritu pagdating ng Biyernes Santo—ang araw ng pagkamatay ni Hesus. Gagawin nina Roy at Grace ang lahat upang maprotektahan si Aurora. Ngunit madidiskubre ni Grace ang itinatagong sikreto ni Roy, at huli na ang lahat para makalabas siya ng rest house at makatakas mula sa masasamang espiritu.

Mapapanood ang horror movie na Biyernes Santo sa Marso 26 sa Vivamax. Ito ay idinirehe ng director ng Maria.  

Ayon kay direk Pedring, hindi naging madali ang pag-shoot ng pelikula dahil sa new normal. Ngunit sa gitna ng tight deadlines, limited resources at mga problemang hinarap nila dahil sa pandemya, proud pa rin si direk sa kinalabasan ng pelikula.

Samantala, pinuri naman ni Gardo si Direk Pedring sa pagkakagawa ng Biyernes Santo. Aniya puwedeng isabay ito sa Hollywood.

“I’m proud of this film kasi kapag nakita mo, kumbaga iba eh at  mamamangha ka at magiging proud ka na Filipino ka. Nakakagawa tayo ng ganitong klase ng pelikula.”

Pinuri rin niya kung gaano ka-cool ang kanilang director.

Natatawang kuwento ni Gardo, ”Ginawa namin itong movie na walang katensiyon-tensiyon. Hindi ko siya nakitang na highblood mula umpisa hanggang matapos. Muntik pa ngang mag-tiktok si Direk.”

Sinabi pa ni Gardo na tiyak na matatakot talaga ang sinumang manonood ng kanilang pelikula. “’Yung asawa ko nga hindi nakatiis mapanood ito eh kahit trailer pa lang.”

Available ang VIVAMAX online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Watch all you can sa VIVAMAX, P149/month lang, at mabibili ang VIVAMAX vouchers sa Shopee at Lazada.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED Rni Rommel Gonzales MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB nakapag-rebyu 200K pelikula, palabas sa TV, at iba pang materyal sa loob ng 9 na buwan

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …

Ataska Mercado

Ataska proud sa sarili—I’ve been working really hard since I was five

RATED Rni Rommel Gonzales ITINUTURING ngayong Vivamax Princess, nagsimula bilang child actress si Ataska. Kung makakausap …

Julia Montes

Julia’s cryptic post pahulaan sa netizens

MA at PAni Rommel Placente MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *