NASUKOL ng mga awtoridad ang 17 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) nitong Martes ng hatinggabi, 16 Marso, sa dalawang drug den sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Sa ulat ni PDEA Director Christian Frivaldo, sa unang pagsalakay ay umabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 ang nakompiska mula sa pitong suspek na kinilalang sina Eldrix Albarillo, 25 anyos; Rosebelle David, 29 anyos; Michael Salengga, 22 anyos; Sherly Bobis, 31 anyos, pawang mga residente sa naturang lungsod; Ryan Bundalian, 27 anyos; at Raymund Macapagal, 26 anyos, kapwa ng lungsod ng Mabalacat; at Norlyn Agnote, 36 anyos, residente ng bayan sa Porac.
Samantla, timbog sa ikalawang pagsalakay ang 10 suspek na sina Alexander Albarillo, 33 anyos; Karen Mae Pelle, 27 anyos; Mark Anthony Yandoc, 24 anyos; Jennifer Sua, 32 anyos; Judith Labanda, 24 anyos; Angelica Pelle, 31 anyos; Rolando Arrivado, 45 anyos; pawang mga nakatira sa lungsod ng Angeles; JP Pelle, 15 anyos; at Angelica Caballero, 22 anyos, kapwa ng lungsod ng Mabalacat; at Mila Florancisco, 29 anyos, nakatira sa bayan ng Porac.
Nasamsam ng mga operatiba mula sa mga nadakip na suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act pof 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nasa custodial facility ng PDEA 3.
(RAUL SUSCANO)