Wednesday , November 20 2024

Dreamscape sa Gold Squad — sila ‘yung mga artistang makapagbibigay-inspirasyon

H UWAG kang/tayong Mangamba.’ Ito ang lagi nating sinasabi sa lahat sa panahon ng Covid-19 pandemic o anumang pagsubok na dinadaanan natin ngayon sa araw-araw dahil hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos.

Ito ang mensahe sa kabuuan ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba na sakto sa nangyayari ngayon sa mundo.

Nauna ang May Bukas Pa noong 2009-2010, ito ang taong maraming namatay dahil sa bagyong Ondoy at dito nakilala ni Santino si Bro (Panginoong Diyos) na ginamit para maghatid ng magagandang wika mula sa langit na ginampanan ni Zaijian Jaranilla.

Sinundan ng 100 days to Heaven noong 2011 na bumagsak ang ekonomiya ng bansa ng 3.7% sa unang taon ng termino ni Presidente Noynoy Aquino. Ito rin ang taong na-impeach si Chief Justice Renato Corona at pagkalipas ng limang taon, Abril 29, 2016 ay binawian na ito ng buhay. Nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyong Sendong sa Visayas at Mindanao na marami ang namatay at hindi na natagpuan.

Sobrang sama ni Ms Coney Reyes bilang si Anna Manalastas at bigla siyang nawala sa mundo ng hindi handa kaya muli siyang binuhay ni Bro sa katauhan ni Xyriel Manabat para ituwid ang mga pagkakamali.

At ngayong panahon ng pandemya ay ang Huwag Kang Mangamba ang offer ng Dreamscape Entertainment na pagbibidahan ng Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes mula sa direksiyon nina Manny Palo, Darnel Villaflor, at Jerry Sineneng.

Sa ginanap na virtual mediacon ng HKM ay natanong ang mga direktor at creative consultant kung bakit ang Gold Squad ang kinuhang bida.

“Pagkatapos ng highly successful na ‘Kadenang Ginto’ na pinagbidahan ng Gold Squad, napatunayan nina Andrea, Francine, Seth, at Kyle na they are the most talented, the most exciting and most influential actors of their generation kaya noong mabuo itong ‘Huwag Kang Mangamba’ hindi nagdalawang isip ang ABS-CBN at ang Dreamscape Entertainment na maging bahagi sila ng teleseryeng ito kasama ang ilan sa pinakamahuhusay nating artista. And this is to further challenge them to their craft as actors at mapapanood natin sa pilot episode palang na ibang-iba talaga ‘yung roles na gagampanan.

“At sa panahon ngayon maraming naghahanap ng sagot, inspirasyon na makakapitan ng mga tao from our generation to the millennials hanggang sa Gen Z at ‘yung Gold Squad, we get influence and I think sa YouTube alone they have 2.8M followers, so sila ‘yung mga artistang makapagbibigay ng inspirasyon na puwedeng maging role models sa mga kabataang maraming tanong at naghahanap ng mga sagot at puwedeng makasama nila in their journeys in this very difficult of times,” paliwanag ni Direk Manny.

Dagdag naman ng head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal, ”We are really prepared for the next soap opera or teleserye of the Gold Squad after ‘Kadenang Ginto’ and actually, ‘Huwag Kang Mangamba’ was already in the pipeline prior to the pandemic.”

Nabanggit pa ni DTE na in-adjust na lang ang material (script) sa naging epekto ng Covid19 pandemic sa bansa.

“Pero conceptually binubuo na ito before the pandemic, nagkaroon lang ng mas matinding pangangailangan. So makikita ninyo rito na hindi tungkol sa pandemic pero ‘yung timeline ng teleserye ay naka-focus sa pinagdaanang virus o sakit ang bayan at may effect ito sa lahat. 

“More than anything, it’s a story of hope and inspiration and we all feel that ABS-CBN management feels that isang malaking serbisyo para sa mga kababayan natin na makapagbigay tayo ng isang serye na nagbibigay ng pag-asa at insipirasyon,” paliwanag pa ng hepe ng Dreamscape Entertainment.

Ang Huwag kang Mangamba ay mapapanood sa A2Z, TV5 simula sa March 20 ay 46 hours ahead sa March 22 ay mapapanood na rin sa WeTV Iflix.

Makakasama ng Gold Squad sina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, RK Bagatsing Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Matet De Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Mylene Dizon, Matty Juniosa, Alyanna Angeles, Lance Carr, Pamu Pamorada, Troy Montero, Krystal Reyes, Mike Magat, Paolo Gumabao, at Eula Valdez.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *