Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn ng Belladonas wish makatrabaho si Alden

MARAMING ANINO ang gumagalaw sa isang pelikula. Bawat isa, may dalang katauhang sisiguruhin niyang tatatak sa makakapanood sa kanya.

Sa Silab ng 3:16 Media Network ni Len Carillo, paniningningin ng istorya ni Raquel Villavicencio at direksiyon ni Joel Lamangan ang mga baguhang sina Cloe Barreto at Marco Gomez kasama si Jason Abalos. Na susuportahan naman ng mga batikang aktres na sina Lotlot de Leon at Chanda Romero.

Pero hindi lang sa triyanggulo nina Cloe, Marco, at Jason iikot ang  Silab.

Isa pang karakter na tiyak magiging kapansin-pansin ay ang papel na itinoka sa isa pang kapwa Belladonas member ni Cloe, si Quinn Carillo.

Ako po ‘yung comedic relief dito sa film. It’s kinda brief but ang saya niya i-portray kasi medyo harot-harot ako rito ganoon.

“Working with the cast was really enjoyable. I have worked with Cloe and Marco na before sa group namin so we’re used to each other na and so with Karl (Aquino).

“So, working with the veteran actors talaga was really fulfilling tapos under direk Joel Lamangan pa. Sobrang kakaiba ‘yung experience parang mas lalo ako namulat sa acting world. Super bait nila Ms. Lotlot, Sir Jim Pebanco, si Ms. Tabs Sumulong and Kuya Jason Abalos. They gave me so many tips and anecdotes na talagang na-enjoy ko and I definitely learned from them talaga. Even with Ms. Chanda Romero. Kahit saglit ko lang siya nakasama, she’s really such a bright person. For me ang ganda ng naging bond namin with this film.”

Hindi naman kakalimutan ni Quinn ang pagiging isang dancer, maging singer din at miyembro ng Belladonnas. Pero may kakaibang kaway din  ang pagganap o pag-arte sa pelikula.

“I guess ‘yung ‘di ko pagiging mapili sa role will give me a chance in acting. Adventurous kasi ako in nature, so I go with the flow. Marami akong na-encounter na nagmamadali sa pagpasok sa showbiz, atat siguro ganoon. Eh kami kasi trained kami to be patient, na ‘wag bibitaw basta-basta. Siguro that’s also one of my edge, ‘yung training na sinapit namin under 3:16. Not just sa dancing and singing kasi kami na-train ng coaches namin, also with our attitude rin.”

Kung may pangarap si Quinn, ‘yun eh ang makatrabaho ang kanyang childhood crush na si Jericho Rosales. Pero sa ngayon, it’s Alden Richards.

Bakit naman hindi kung may magandang role na angkop naman na sa brown-skinned girl na ito.

Hotta Mulatta!!!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …