NAHIRAPANG umastang lalaki ang beauty queen na si Cynthia Thomalla dahil sa character niya sa GMA series na First Yaya na magsisimula ngayong gabi.
Papapel na isang member ng Presidential Security Guard si Thia (tawag kay Thomalla) sa series. Eh dahil nasanay siyang rumampa bilang beauty queen, naging awkward sa simula ang character.
“Kailangan matigas ang dating ko dahil member ng PSG. Nahirapan noong una pero kalaunan ay naayos ko na rin,” pag-aamin ni Thia.
Dumaan si Thia sa firing training at ilang araw din niyang naka-bonding ang mga totoong PSG upang mag-swak siya sa role. Lalabas na presidente ng bansa si Gabby Concepcion.
I-FLEX
ni Jun Nardo