Saturday , November 16 2024

4 sundalong wanted sa batas tiklo sa Manhunt Charlie ng PRO3 PNP

NADAKIP ang apat na miyembro ng Philippine Army (PA) na pawang pinaghahanap ng batas, ng mga kagawad ng Palayan City Police Office sa patuloy na pagsasagawa ng Operation Manhunt Charlie ng PNP  Regional Office 3 nitong 11 at 12 Marso sa mga barangay ng Singalat at Militar, sa lungsod ng Palayan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang mga suspek, batay sa report ni P/Col. Jaime Santos, na sina Private Marvin Lagamia, 25 anyos, miyembro ng 703rd Brigade ng PA, Bongabon, residente sa bayan ng Gen. Tinio; Private Jay-ar Diaz, 25 anyos, 703rd Brigade PA, Bongabon, residente sa Bagumbayan, Sultan Kudarat; Private Jhoram Salinbay, 24 anyos, 71D PA, Fort Magsaysay, residente sa Lupang; at Private Jay-es Andalan, 27 anyos, 71D PA, Fort Magsaysay, residente sa Balbalan, pawang sa Kalinga Apayao.

Dinakip ang mga wanted na miyembro ng Philippine Army sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Honorable Judge Edith Cynthia Wee-Cabbat, acting presiding Judge ng MTC, Palayan City, Nueva Ecija, sa kasong Serious Physical Injuries na may piyansang P36,000 bawat isa. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *