NARITO po ang karugtong ng ating kolum noong Biyernes:
- Pagkabalisa (anxiety)
Ang sobrang pag-iisip sa problema o sa minamahal na nasa malayong lugar ay lumilikha ng pagkabalisa sa isang tao. Sa ganitong sitwasyon ay naaapektohan ng nalilikhang stress ang kalusugang pangkaisipan ng isang tao o kung tawagin ay mental health.
Sikaping maiwasan ang pagkabalisa upang hindi maapektoan ang isipan. Ibaling sa trabaho at paglilibang ang pansin sa imbes sobrang pag -iisip ang gawin.
- Matinding paghihirap ng kalooban (agony)
Ang malabis na sakit ng damdamin na nararanasan ng isang tao bunga ng sobrang hinanakit o sama ng loob ay malaki ang negtibong epekto sa kalusugan. Hindi makabubuti na kimkimin lalo sa mahabang panahon ang hinanakit. Ang marapat gawain ay ibulalas sa pamamagitan ng tapatang paghahayag nito sa sinumang kinauukulan.
Maraming tao na ang naging biktima ng sakit na cancer bunga ng sobrang hinanakit na matagal na kinikimkim lamang sa sarili.
Huwag hayaang mangyari ito sa inyo, iwasan ang mga sama ng loob. Sa halip dagdagan ang ating dasal at magtiwala sa Maykapal na ang lahat ng ating mga suliranin sa buhay ay ating malalagpasan.
- Pagkatakot (fear)
Ang madalas na pagtatakot na nararanasan ay maaring magdulot sa isang tao ng kagyat na pagkasindak (shock), gayondin ang matinding nerbiyos. Kapag hindi na-overcome ang ganitong karanasan ay nanganganib na magdanas ng chronic nervousness o grabeng nerbiyos ang isang tao na makaaapekto sa pangkalahatang kalusugan.
- Pag-aalala (worry)
Ang sinumang tao na nakakaranas ng madalas na pag-aalala kaugnay ng mga bagay na inaakalang hindi magaganap o kaya ay posibleng mangyari ay delikadong magkaproblema sa kanyang bato o kidney. Malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso ang mga mapag-alala. Upang makaiwas sa pagkakaroom ng sakit sa bato at sa puso, makabubuting ikondisyon ang sarili na huwag maging balisa lalo sa mga mumunting bagay lamang.
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong