Saturday , December 21 2024

Talamak na tulak timbog sa P.1-M shabu

TINATAYANG nasa P500,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng pinagsa­mang mga operatiba ng Bataan PPO sa ikinasang drug bust nitong Martes, 2 Marso sa Brgy. Sabatan, sa bayan ng Orion, lalawigan ng Bataan.

Kinilala ni P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan PPO, ang suspek na si Brian James Sevilla, 31 anyos, binata, kabilang sa high value individual, at nakatira sa nasabing lugar.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang ice bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na halos umabot sa kalahating milyon ang halaga, at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa mga probisyon ng Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nakapiit sa Bataan PNP custodial facility.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *