Saturday , November 16 2024

Lider ng drug group patay sa loob ng banyo (Nanlaban sa drug bust)

BINAWIAN ng buhay ang isang notoryus na tulak nang makorner sa loob ng banyo sa isinagawang drug bust ng mga kagawad ng San Isidro municipal police station nitong Martes, 2 Marso, sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, na si Alfie Tuazon, 39 anyos, kabilang sa drugs watchlist at lider ng Alfie Tuazon drug group, na kumikilos sa naturang bayan at labas-masok sa kulungan sa kinasasang­kutang mga kasong may kaugnayan sa droga.

Nabatid na pumalag ang suspek nang mapagtantong mga alagad ng batas ang nakatransaksiyon at mabilis na tumakas at pumasok sa loob ng bahay ng mga Santiago.

Pinutukan ng suspek ang mga operatiba na gumanti ng mga putok na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nakuha ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang baril ng suspek, isang pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *