Saturday , November 16 2024

4-anyos anak ng kinakasama binugbog Koreanong amain timbog

Arestado ang isang Korean national sa ginawang pisikal na pananakit sa 4-anyos batang babae anak ng kanyang live-in partner nitong Biyernes, 26 Pebrero, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, pino­sasan ng mga nagres­pondeng kawani ng ACPO Police Station 2 ang suspek na kinilalang si Hun Kim, 41 anyos, Korean national, naninira­han sa 1926 Camia St., Timog Subdivision, Pampanga, ng nasabing lungsod, upang imbesti­gahan ang kaugnay na reklamo laban sa kanya.

Sa salaysay ni Lady Jane Delara, 27 anyos, live-in partner ng suspek, residente rin ng nasabing lugar, na habang minamaneho ni Kim ang kanilang Toyota Fortuner at nasa ilalim ng impluwensiya ng alak, pinagpapalo at pinagsusuntok umano ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa hindi malamang kadahilanan.

Sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, hindi ito ang unang pagkakataong makaranas ng pananakit ang kanyang anak mula sa kinakasama at katuna­yan ay ipina-blotter na nila ang suspek sa nasabing himpilan ng pulisya, ngunit hindi tinuloy noon ang pagdemanda sa suspek.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *