Saturday , December 21 2024
Balaraw ni Ba Ipe
Balaraw ni Ba Ipe

Sino ang oposisyon?

SINO ang oposisyon sa ngayon? Kung babaguhin ang tanong bilang paghahanda sa halalang panguluhan sa 2022, sino ang dominant opposition party?

Huwag magtaka kung biglang makita sa radar sina Alan Peter Cayetano ng BTS (hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin pero napakaraming biro sa kahulugan ng kanyang grupo) at Bebot Alvarez ng Reporma, isang natutulog na lapian na biglang nabuhay.

Huwag magulat kung nandiyan na si Dick Gordon, Ping Lacson, at kahit si Manny Pacquiao, ang idineklarang kandidato ng PDP-Laban, isa sa malaking lapian sa naghaharing koalisyon.

Huwag sumulak ang dugo ninuman sa aking sapantaha. Kapani-paniwala ba sa sansinukob kung sinuman sa kanila ang maging oposisyon?

Ang totoong oposisyon ay kilusan na katig sa demokrasya. Sila ang demokratikong puwersa na pawang kumakalaban sa puwersa ng awtoryanismo na kinakatawan ni Rodrigo Duterte at ang naghaharing koalisyon ng pinagsama-samang lapian at grupo.

Kasama sa demokratikong puwersa ang Akbayan, Magdalo, at Partido Liberal. Kasalo rin ang ibang maliit ng lapian na pawang naniniwala sa demokrasya bilang pangunahing ideya ng pamamahala sa gobyerno.

Sinasang-ayunan ng mga grupo kasama sa kilusang demokratiko ang pag-ugit sa Saligang Batas bilang pangunahing kasangkapan ng pamamahala. Naniniwala sa pangingibabaw ng batas (rule of law), tamang proseso (due process), at karapatang pantao (human rights).

Kinakapitan ng puwersang demokratiko ang malayang talakayan at kalayaang indibidwal upang magdesisyon ang isang mamamayan sa pagtalunton ng landas na gusto niyang tahakin. Pinag-iingatan nila ang naibalik na demokrasya.

Todo-todo ang kanilang pagtutol sa pagbabalik ng anumang uri ng diktadurya. Iyan ang paninindigan ng puwersang demokratiko sa maraming usapin. Sila ang oposisyon sa ngayon.

Hindi si Dick Gordon na nangunguna sa kanyang comite de absuelto sa Senado. Hindi si Ping Lacson na paiba-iba ang paninindigan sa iba’t ibang usapin. Hindi si Manny Pacquiao na walang ginawa kungdi magboksing.

***

KAPAG umulan, bumubuhos talaga ang tubig, iyan ang isang paniniwala sa sinauna. Bababa sa 16 Hunyo si Fatou Bensouda bilang Chief Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) at papalitan ng isang manananggol mula Britanya, ngunit hindi nangangahulugang wala nang mangyayari sa sakdal laban sa crimes against inhumanity ni Rodrigo Duterte at 11 pa.

Bababa sana ang final report ni Bensouda tungkol sa sakdal noong Disyembre. Ngunit hindi natapos ang ulat dahil sa pandemya. Ipinangakong isusumite ang final report sa ICC mismo ngayong taon. Ipinapalagay na isa ito sa huling trabaho ni Bensouda bago siya umalis sa kanyang puwesto.

Makaaapekto ito sa kampanya ng Davao Group sa kanilang kandidato 2022. Paano kung biglang ipadakip ng ICC si Duterte at kasama sa habla. May matuwid ba sila upang patuloy na maghari sa Filipinas?

Sa panahon na iyan, inaasahan na malinaw sa Estados Unidos kung ano ang gagawin sa Filipinas. Nandiyan na ang diplomatic pressures na pinaniniwalaan na pro-China. Batid ng mundo na kontra China ang Estados Unidos sa ngayon. Destabilisasyon kay Duterte at sa kanyang gobyerno? Kayo na ang humatol.

Abangan.

BALARAW
ni Ba Ipe

About Ba Ipe

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *