Saturday , November 16 2024

IBC-13 retirees naiwan sa ere (Andanar pinakikilos ng Palasyo)

ni ROSE NOVENARIO

PINAKIKILOS ng Palasyo si Communications Secretary Martin Andanar para tugunan ang hinaing ng mga retiradong empleyado ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na hindi pa natatanggap ang kanilang retirement/separation pay.

Sa liham ni Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary for Presidential Support  Atty. Anderson Lo kay Andanar, may petsang 16 Pebrero 2021, hiniling na gumawa siya ng karampatang aksiyon upang matulungang maibigay ang pinag­hirapan ng IBC-13 retirees, base sa kanilang ipina­dalang sulat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is to respectfully refer, for appropriate action, the attached 02 February 2021 letter to the President from the retired employees of the Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13), regarding their request for assistance to claim their retirement/separation pay,” ayon sa liham ni Lo kay Andanar.

“Pursuant to the President’s commitment for good governance, transparency and immediate action on matters that affect the welfare of the people, we respectfully endorse this matter to your good office and request that you update us of any development with respect to the same.”

Nabatid na dinagda­gan ng P56 milyon ang budget ng IBC-13 para ibayad sa unpaid benefits ng mga kawani ng state-run TV network.

Napag-alaman na inisyatiba ni Sen. Christopher “Bong” Go na magkaroon ng dagdag na P56 milyon sa P73 milyon budget ng IBC-13 para sa taong 2021.

Ito’y alinsunod sa kanyang komitment sa IBC Employees Union (IBCEU) noong Agosto 2020 na lahat ng mga benepisyo para sa mga obrero alinsunod sa batas ay ibigay sa kanila sa lalong madaling panahon lalo na’t may narara­nasang krisis sa bansa.

“Sisiguraduhin kong maaksiyonan ang mga hinaing ng workers union ng IBC-13. Ipinarating na natin sa Office of the President at sa PCOO ang mga concerns na ito at inaasahan ko na maa­aksiyonan ito sa lalong madaling panahon,” ani Go sa kalatas na ipinadala sa Hataw noong Agosto 2020.

“Ukol naman sa mga alegasyon laban sa management, iniimbes­tigahan ito at sisigura­duhin nating lumabas ang katoto­hanan,” dagdag niya.

Nauna rito’y isinum­bong ng mga obrero kay Go ang  kanilang pag­durusa  bunsod ng hindi pagbabayad sa kanilang mga benepisyo mula 2010,  kawalan ng basic pay increase alinsunod sa collective bargaining agreement (CBA) noong 2008, ang mga benepisyo na nakasaad sa CBA ay hindi ipinagkaloob nang husto habang ang mata­taas na opisyal ng kor­porasyon ay nagpapa­sasa sa mataas na sahod, benepisyo at pribilehiyo gaya ng communication, fuel and transportation allowance, representation and transportation allowance (RATA) at iba pa.

Ngunit nang lumabas ang budget ng IBC-13 para sa taong ito, ang inilaan ng management ay P53 milyon para sa unpaid benefits ng incumbent rank and file employees habang ang P3 milyon ay para sa mga kasalukuyang supervisors at mga opi­syal ng management para sa taong 2010 hanggang 2019.

Ipinagtaka ng retirees na hindi sila isinama sa binayaran ng unpaid benefits samantala noong 2010-2019 ay marami sa kanila ang nasa serbisyo pa.

“Hindi na nga namin natatanggap ang buong separation/ retirement pay, pati ba naman unpaid benefits namin ay ayaw pa rin ibigay sa amin?” himutok ng retirees.

Inuuna pa umano ng management ang kanilang mga sarili kaysa retirees at para silang mga pulubing pinababalik-balik sa opisina ng IBC-13 para malaman kung makukubra na nila nang buo ang kanilang pinag­hirapan sa mahabang panahon.

Dahil dito, lumiham sila kay Pangulong Duterte at sinabi na mula pa noong Pebrero 2019 ay hindi nila natatanggap ang kabuuan ng retirement/separation pay at hanggang ngayon ay walang ibinibigay na katibayan o kasulatan ang mga namumuno ng IBC-13 kung paano sila babayaran.

“Hirap na hirap na po kami sa aming kalagayan. Sana po ay napapa­kinabangan na namin ang aming pinaghirapan, idagdag pa na ang iba sa amin ay may mga karam­daman na kailangan ng maayos na gamutan. Ang iba naman ay nakama­tayan na ang kanilang inaasam na retirement pay,” anang retirees.

May P43,679,223.49 ang total unpaid benefits ng retirees hanggang noong Disyembre 2019.

Habang ang utang sa mga nagretiro at nagbitiw sa tungkulin ay umaabot sa P353,571,036.50.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *