Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hayden Kho irereto sana kay Crystal kay Belo nauwi

NAPAPANGITI pa rin kami kahit alam na namin ang love story o kung paano nagkakilala sina Doc Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa University of Santo Tomas. Ito’y habang may event doon at isa ang huli sa guest.

Sa panayam ni Toni Gonzaga-Soriano sa celebrity couple doctors sa kanyang YouTube channel nitong Lunes, Pebrero 22 na may titulong How Dra. Belo and Hayden Healed After the Scandal, umabot agad sa mahigit 1M views na ibig sabihin ay marami pa ring interesado sa makulay na pagmamahalan ng dalawa.

Aliw kami sa kuwento ni Belo na hindi nga siya pinansin ni Hayden at dumaan lang sa harap niya.

“Naintriga ako sa kanya kasi ang daming nagpapalakpakan, sikat siya sa UST,” simulang sabi ng wifey ngayon ni doc Hayden.

“Ma-PR lang ako,” sabi naman ng daddy ni Scarlet Snow.

Pagpapatuloy ni Belo, ”sabi ko, ano kaya specialty nito? Kasi may palakpakan I was intrigued, then after an hour I stood up, sabi ng friend ko, ‘san ka pupunta?’ sabi ko I will entertain myself at umupo ako sa tabi niya (Hayden).

“Tapos sabi ko sa kanya (Hayden), ‘why they all clapping for you? Who are you? Tapos sabi niya, ‘eh, kasi it’s my birthday kasi, I’m Mr. Congeniality.’ 

“Then very proudly naman niyang sinabi na, “I’m an intern (new doctor) nyek. Isip ko, intern, birthday niya so 24-25 years old, oh my gosh! Tapos he was the President of Interns Association in Makati Med where I also intern, so parang pareho kami na UST. Sabi ko, ay 24-25, baka puwede kay Crystal (panganay na anak na babae).

“Actually, when I arrived at home that night the first thing I told Crystal, ‘I found na your husband!’ Then sabi niya, ‘what?’  tapos sabi ko I found na, he was a doctor, he’s tall, he’s handsome, he’s funny and he’s smart. ‘Yun ang plan (2005).”

Pagkalipas ng three months ay tumawag si Hayden kay Belo kung puwedeng dumalaw sa clinic para mag-observe ng surgeries pero lagi siyang may dalang chocolates.

“Bakit ka nagdadala, nanliligaw ka na?” tanong ni Toni kay Hayden.

“Nakakahiya kayang pumunta ng walang dala, sabi ng mama ko na kapag bibisita ka, dapat lagi kang may dala,” katwiran naman ng guwapong hubby ni Dra. Vicki.

At nasundan ang pagkikita ng dalawa ng madalas thru dinner or lunch hanggang sa napansin ni Dra. Belo na dati ay magkaharap silang kumain ni Hayden tapos biglang tumabi na sa kanya at panay ang galaw ng mga paa.

Kaya pagdating niya ng bahay ay tumawag siya sa kaibigan para ikuwento na nagpi-flirt sa kanya si Doc Hayden kasi panay ang galaw ng mga paa at nasasagi siya.

“Sabi ng friend ko, ‘that means he likes you.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …