MATAAS ang moral ng mga kagawad ng PRO3-PNP sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano de Leon sa ipinapaabot ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa pamamagitan ng kanyang kinatawang si Senior Undersecretary For Regional Operations in Luzon, Rafael Yabut sa kanyang pagbisita bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa Monday flag raising ceremony nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Camp Captain Julian Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay Usec. Yabut, humingi ng paumanhin si Sec. Villar sa pamunuan ng PRO3 sa kanyang pagliban bilang panauhing pandangal sanhi ng mahigpit at naunang mga iskedyul na dadalohan ngunit ipinapaabot sa kanya ang bilin na gagawing pagsuporta sa mga infrastructure project ng pulisya, lalo ang PRO3-PNP.
Sinabitan ni Usec. Yabut ng mga medalya ng kagalingan, kaantabay si P/BGen. De Leon ang police operatives sa paglulunsad ng matagumpay na anti-illegal drugs campaign ng PRO3-PNP.
(RAUL SUSCANO)