Saturday , November 16 2024
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. (Larawan mula kay Angie De Silva)

Obispo nanawagan sa mga botante na kaliskisan ang mga kandidato sa 2022

Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na daragsa sa susunod na mga araw at linggo ang mga kabataan na gustong magparehistro para makaboto sa 2022 national elections kaya nananawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga botante na kilatisin ang background ng mga politikong tatakbo para sa mga halal na posisyon sa gobyerno.

Ayon sa obispo, kailangan umanong kaliskisang mabuti ang lahat ng mga kakandidato upang malaman kung sino-sino sa kanila ng ang may karapatang bigyan ng mandato ng sambayanan para mamuno sa ating bansa habang ang iba naman kapag nalamang tumatakbo para sa personal na interes ay nararapat na ibasura ang kandidatura.

“The voters should be discerning… they should start their research on them (potential candidates). Who are these people? What have they accomplished? What can they contribute to the country? As early as now, people should be talking about it,” wika ni Pabillo na pinuno rin ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ito ay mulling pagpapaalala ng kanya panawagan sa mga botanteng Filipino na huwag magpahimok sa maruming politika at mga politiko sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

“Do not vote for those who belong to political dynasties,” pagdidiin ni Pabillo sa paglarawan kung paano nasalaula ang sistemang politikal dito sa Filipinas dahil sa pagkapanalo ng mga tradisyonal na politiko, o mga trapo, at gayon rin ang mga dinastiya ng mga pamilya ng ilang politiko.

“Political dynasties thrive because we vote for them,” punto ng obispo sanhi ng pagkadesmayang mapuna na mga dating mukha din ang makikita sa hanay ng mga nagnanais o nagpaplanong tumakbo sa halalan sa 2022.

“We see old faces, the traditional politicians. I cannot believe it. Look at how thick faced our politicians can be. Even those with very strong criminal cases filed against them run,” kanyang pinansin.

“There are gems within the pile of dirt. We just have to cull them,” dagdag niya.

“It is not what they say they will do that show their worth, but what they have done.”

Nanawagan din ang apostolic Bishop ng Maynila sa mga botante, partikular sa mga kabataan at bagong boboto o nabalik sa rehistro sa Comelec na iwasang maging bulag sa tunay na plataporma ng mga partido sa likod ng mga pangako sa taongbayan bukod sa pagpili ng sinasabing “winnable candidates” batay sa resulta ng mga survey, name recall at mga social media entry.

Sinabi ni Pabillo, hindi dapat sayangin ng mamamayan ang kanilang boto kung nais talaga nila ng pagbabago at reporma sa pamahalaan.

“By voting for a bad person because he is winnable, you are being an accomplice in destroying our country,” muli niyang babala.

Para matulungan ang mga botanteng maaro ang katotohanan, inihayag ng obispo ang ilang criteria na maaaring magamit para mahiwalay ‘ang bulok sa hindi bulok.’

“Look at their personal lives. What a person is, that will be what he will do. If a person is not faithful to his commitment to his wife, will he be faithful to his office? If a person is a gambler, he will gamble his office. If a person is dirty in his speech and his views, he will be dirty as a public official,” paalala ng Obispo.

Bilang huling salita, binigyang-diin ni Pabillo na ang halalan ay nagbibigay ng pag-sa sa mga tao na may mas magandang kinabukasan ngunit mangyayari lamang ito “kung magiging matitino tayong botante.”

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *