Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens sabik pa rin kay Coco 

KAHIT gabi-gabing napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano si Coco Martin, gusto pa rin siyang mapanood sa ibang genre tulad nitong rom-com nila ni Angelica Panganiban na Love or Money na mapapanood na sa iWantTFC at KTX.ph.

Umabot na sa limang milyong views ang trailer ng Love or Money sa  Facebook, Twitter, at YouTube sa loob lamang ng tatlong araw habang nabibili na ang ticket nito sa iWantTFC na maaari nang kumuha ng early bird ticket hanggang Marso 11 sa halagang P200 para sa iWantTFC users sa Pilipinas at USD3.99 naman sa ibang bansa. Mapapanood na ito worldwide simula Marso 12. Aliw naman kasi talaga ang trailer ng pelikula nina Coco at Angge.

Marami na ring taga-media at bloggers ang gustong makumusta sina Coco at Angelica kaya inaabangan kung kailan ang zoom mediacon ng dalawa para sa Love or Money movie nila kung paano nila ito natapos dahil inabutan sila ng Covid-19 pandemic noong nakaraang taon.

Anyway, mapapanood na ang Love or Money KTX.ph, iWant TFC, at Sky Cable PPV! Distributed by Cinexpress sa March 12 mula sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar handog ng Star Cinema. Kasama sa pelikula sina Gelli de Belen, Ketchub Eusebio, Cai Cortez, at Matet de Leon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …