Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua at Julia nagka-iyakan, nag-sorry, nagkapatawaran

MUKHANG ang music video na Paubaya ni Moira Dela Torre na pinagbidahan ng ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang ‘closure’ nilang dalawa dahil ang nasabing video ay kinunan noong Enero 28, ayon sa aming source, Enero 11 naman inamin ng aktres na ‘taken’ na siya at ‘Fil-Am’ ang kanyang inspirasyon.

Kaya namin nasabing ‘closure’ ay dahil dito na inilabas ng JoshLia ang lahat ng mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa na posibleng ‘adlib’ ito dahil tagos sa puso ang mga binitiwan nilang mga salita.

Ang opening ng music video ay ikinakasal ang dalawa at ang saya-saya ni Joshua at kaagad itong nag-‘I do’ nang tanungin siya ng pari kung tatanggapin niya si Julia bilang asawa pero si Julia ay umiling at tumakbong palabas ng simbahan at iniwang litong-lito ang binata.

Nag-iisip at napasandal si Joshua at bumalik si Julia at sinabing, ”I’m sorry.  I’m sorry Josh, I’m sorry napagod ako.  I’m sorry nawala ako. Natakot ako kasi hindi kita mahanap noon.  Binigay ko lahat, binigay ko say o lahat.  Naubos lang ako.  I’m sorry nasaktan kita.”

Umiiyak na sagot ng binate, “Sorry, sorry kung wala ako noong mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako noong kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.

”Natakot ako, sobra. Pero gusto ko, nandoon ako. Gusto ko, nandoon ako noong nasasaktan ka. Pero wala. Siguro, dahil alam ko na rin na, na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Sumang-ayon ang dalaga, ”sinubukan naman natin, ‘di ba? Nilaban naman natin, ‘di ba?”

”Yeah.  We tried, gusto kong mag-thank you sa ‘yo sa lahat ng memories na ibinigay mo sa akin.  Hindi man nating nagawa ‘yung mga pangarap natin, masaya na ako sa mga pinagsamahan natin. Masaya ako na masaya ka,” sabi pa ng aktor.

Sa puntong ito ay alam na ni Joshua kung sino ang kapalit sa puso niya dahil nasambit niya ang katagang, ”masaya ako na masaya ka.”

Say naman ng dalaga, ”gusto ko maging masaya ka rin. Thank you.”

Hinawakan ni Josh ang batok ng dating katipan at sinabing, ”gusto kong malaman mo na pinatatawad na kita.”

Sagot ni Julia, ”pinatatawad din kita.” At sabay dukdok ng dalaga ang mukha sa dibdib ng binata at sabay hagulgol gayundin si Josh.

Dalawang araw ng trending ang music video ni Moira na umabot na sa mahigit 6M views sa loob lang ng 21 hours and still counting.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …