HINDI nadatnan ng mga awtoridad ang operator ngunit arestado ang manager na isang Korean national at apat niyang kasamahan, habang nasagip ang 35 dancers sa ikinasang pagsalakay sa Sensation Gogo Bar sa entertainment district ng Fields Ave., Balibago, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan ang mga suspek na sina Taekwong Byun, alyas Kevin, Korean national, manager; Charym Torres, kahera; Feliciano Bayani, make-up artist; Joyce Wells, bugaw; at Magnalen Abad, mga residente ng lungsod ng Mabalacat.
Samantala, nakatakas ang operator/may-ari ng Sensation Gogo Bar na kinilalang si Retchard Yongco na kasalukuyang tinutugis sa follow-up operation.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10364 o Anti-Trafficking in Person Act ang mga naarestong suspek. (R.SUSCANO)