Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Pinti ‘naisahan’ nina Toni at Alex: Umaming they ‘did it in Taytay’

SIGURO mapapailing at kakamot na lang sa ulo ang nanay ng magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga-Morada na si Mommy Pinty kapag napanood nila ng mister niyang si Daddy Bono ang latest vlog ng huli na in-upload sa Youtube channel nitong Miyerkoles ng gabi na umabot na sa mahigit 3M views.

Tila naisahan ng magkapatid ang magulang nila na may insinuation na nauna muna ang ‘churvahan’ bago ang kasal nila dahil sa tanong, ‘Did it in Taytay’ na parehong I Have ang sagot nilang apat kasama sina direk Paul Soriano at Mike Morada.

“Uy, Taytay also, hmm mom and dad,” nanunuksong sambit ni Alex.

Isa pang nakai-intrigang tanong, ‘did it while my parents are in the other room’ ha I have ang sagot nina Alex at Mikee at Never naman sina direk Paul at Toni.

Sa pagkakatanda kasi namin ay nabanggit noon ni Toni na hanggang salas lang si direk Paul at never na nakarating ng kuwarto niya noong mag-jowa palang sila, pero sabi nga hindi naman lahat sinasabi.

At malamang ganoon din sina Alex at Mikee na sabi nga ng huli, ”’yung sinasabi niyang lumpuhan, fake news ‘yun.”

Inamin na rin ni Alex na nagtatakipan silang magkapatid kapag may date sila noong boyfriend/girlfriend palang ang status nila dahil nga strict ang parents nila.

Isa pang revelations ay ‘wild girl’ noon si Alex at marami siyang nakahalikan na hindi niya naging boyfriend at may mga pinaasa rin siya.

Hmm, isa na nga kaya ang kilalang singer na kaya pala panay ang tanggi na naging girlfriend niya si Alex dahil pinaasa lang siya, pero panay ang labas nila?

Hindi naman itinanggi nina Toni at direk Paul na nagpapadala sila ng naughty text messages sa isa’t isa samantalang ‘never’ naman ang sagot nina Mikee at Alex.

At dahil 6 years nang mag-asawa sina direk Paul at Toni ay naisip din nila minsan na sana ‘single’ na lang sila. Bagay na nararamdaman daw iyon sa mag-asawa pero hindi naman mangyayari.

Anyway, marami pang kalukahang pinagsasabi si Alex sa kanyang vlog na tuwang-tuwa naman ang asawang si Mikee.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …